GMA Logo In the Name of the Mother movie in I heart movies channel
What's on TV

Strong female leads, tampok sa I Heart Movies ngayong linggo

By Marah Ruiz
Published July 6, 2026 1:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chiz Escudero elected as Sara Duterte impeachment trial presiding officer
PH improves in global passport index
Ocular inspections underway for Bacolod-hosted Batang Pinoy 2026

Article Inside Page


Showbiz News

In the Name of the Mother movie in I heart movies channel


Ngayong linggo, tampok ang mga pelikulang may strong female leads sa I Heart Movies.

Bida ang strong female leads sa mga pelikulang mapapanood sa digital channel na I Heart Movies ngayong linggo.

Isa na diyan ang pelikulang In the Name of the Mother na directed and co-written ni Joel Lamangan.

Tungkol ito sa isang ina na sinusubukang panatilihing buo ang kanyang pamilya matapos ang suicide ng kanyang asawa na umabandona sa kanila.

Tampok dito sina Snooky Serna, Gardo Versoza, Diana Zubiri, Rita Daniela, Pancho Magno, Miggs Cuaderno, at marami pang iba.

Abangan ang In the Name of the Mother sa July 8, 9:35 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Para naman sa mahilig sa horror, nariyan ang Sunod starring Carmina Villarroel.

Kuwento ito ng single mother na may bedridden na anak kaya mapipilitan siyang pumasok sa isang entry-level position sa call center.

Mahirap na nga ang trabaho dahil sa graveyard shifts pati na sa mga asal ng mga katrabaho niya, guguluhin pa ang kanyang isip ng mga 'di maipaliwanag na pangyayari sa kanilang opisina.

Abangan ang Sunod, July 11, 8:00 p.m. sa Pinoy Movie Date.

Mapapanood ang I Heart Movies sa channel 5 ng digital TV receiver na GMA Affordabox at GMA Now. Available din ito sa iba pang digital television receivers.