GMA Logo cruz vs cruz
PHOTO COURTESY: GMA Network
What's Hot

Subaybayan ang 'Cruz vs. Cruz' para sa chance na manalo sa 'GMA Watch and Win Promo'

By Dianne Mariano
Published October 28, 2025 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Study shows human rights concerns still present in PHL
Alex Eala gets wildcard spot in Berlin Tennis Open
Nigerian embassy releases statement on the death of Divine Adili

Article Inside Page


Showbiz News

cruz vs cruz


Tutukan ang family drama series na 'Cruz vs. Cruz' para sa chance na manalo ng hanggang P50,000 sa GMA Watch and Win Promo!

Mayroong maagang pamasko na handog ang GMA sa GMA Watch and Win Promo ngayong nalalapit na ang holiday season.

Sa pamamagitan ng pagsubaybay sa hit family drama na Cruz vs. Cruz at ng iba pang Kapuso programs ay may chance na manalo PhP5,000 daily hanggang PhP50,000 sa grand draw.

Tutukan ang Cruz vs. Cruz tuwing Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m., sa GMA Afternoon Prime at hintayin ang special code na lalabas sa telebisyon.

I-scan ang QR code na lalabas sa television screen o bumisita sa www.gmanetwork.com/watchandwin para maisumite ang entry.

Para naman sa mga first-time participant, kailangan munang mag-register gamit ang full name, complete address, e-mail address, at valid mobile phone number. Kapag naka-register na, puwede nang isumite ang promo code of the day bilang entry.

Para sa mas maraming chance ng manalo, maaari ring mag-submit ng higit sa isang entry.

Magiging bukas ang entry forms para sa GMA Watch and Win Promo mula sa GMA Afternoon Prime at GMA Prime slots (2:30 p.m. to 9:30 p.m.) kaya subaybayan ang episodes ng Cruz vs. Cruz para makita ang promo code of the day.

Makikita ang announcement ng daily winners sa telebisyon, sa official website ng GMA Network, at official Facebook accounts ng GMA Network at GMA Drama tuwing Miyerkules.

Ang grand draw ay nakatakda sa December 15 kung saan may isang lucky winner na mag-uuwi ng PhP50,000!

Ang GMA Watch and Win Promo ay tatakbo mula October 27 hanggang December 14, 2025.

Para sa full mechanics ng ng promo, bumisita sa www.gmanetwork.com/watchandwin.

Per DTI Fair Trade Permit No. FTEB-240087 Series of 2025.