GMA Logo Sue Prado
What's on TV

Sue Prado on relationship with 'Bolera' cast: 'We have become a family'

By Aimee Anoc
Published June 2, 2022 2:32 PM PHT
Updated June 2, 2022 2:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Sue Prado


Gumaganap si Sue Prado bilang si Roma, ang supportive na ina ni Toypits sa 'Bolera.'

Isa si Sue Prado sa cast ng pinakabagong sports drama series ng GMA na Bolera.

Ayon kay Sue, mas naging magaan ang trabaho ng cast sa set dahil pamilya na ang turing nila sa isa't isa.

"In terms of preparation hindi siya masyadong mahirap kasi katulad ng mga nabanggit ng mga kasama ko, totoo 'yun 'e we have become a family," kuwento ni Sue.

Dagdag niya, "And once na-achieve na kasi 'yun it's like half of the work is done kasi magre-react ka na lang sa mga kasamahan mo sa eksena. Alam mo 'yung nagkakapulsuhan na kayo so napapadali 'yung gawa at napapasarap lalo."

Sa Bolera, gumaganap si Sue bilang si Roma, isang pulis at supportive na ina ni Toypits na ginagampanan naman ni Jak Roberto.

"Ako si Roma rito, nanay ako ni Jak. Kumare ko sina Tessa, si Tita Jaclyn [Jose], at si Kikay, si Ge [Villamil]. Tumatayo rin akong parang pangalawang nanay nina Kylie [Padilla] at David [Remo] kasi nga maaga silang nawalan ng tatay," paliwanag ni Sue tungkol sa kanyang karakter.

Ibinahagi rin ng aktres na hindi lamang kasiyahan ang hatid ng serye dahil puno rin ito ng aral at inspirasyon. Aniya, "Actually sa show na ito iyon 'yung isang magandang i-highlight. Ang mga character lahat sila may pagmamahal sa pamilya, iba't ibang paraan."

Patuloy na subaybayan ang Bolera, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., pagkatapos ng First Lady.

Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng Bolera sa gallery na ito: