GMA Logo Sugar Mercado, HORI7ON Jeromy
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Sugar Mercado, hindi sumuko sa pagsayaw sa 'Stars on the Floor' 2026 kahit may sakit

By Karen Juliane Crucillo
Published June 2, 2026 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Majority senators skip Senate session anew
Marian Rivera plays around with a puppy and an Italian designer bag
NPA group in Caraga ‘collapses’ after remaining members surrender

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado, HORI7ON Jeromy


Buong tapang na itinuloy ni Sugar Mercado ang kanyang pag-perform sa 'Stars on the Floor' 2026 sa kabila ng iniindang karamdaman.

Sa grand finale ng Stars on the Floor 2026, itinanghal na Ultimate Dance Star Duo ang Team SUMY (Sugar Mercado x HORI7ON Jeromy).

Ayon sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras nitong Lunes, June 1, ibinahagi ni Sugar na may iniinda siyang sakit habang ginagawa ang kanilang huling performance.

Inamin ng SexBomb Girls member na na-ospital siya habang papalapit ang finale ng dance competition.

"Bumaba po 'yung immune system ko. Doon po tapos nagdire-diretso po kasi as a single mom, lahat ng raket tinanggap ko po," pahayag niya.

Samantala, inamin din ng ka-duo niyang si Jeromy na labis niyang inalala ang kalagayan ni Sugar habang nasa dance floor.

"Lahat ng gagawin namin, nasa sa akin 'yung parang bigat. Kailangan kong lakasan 'yung sarili ko kasi kapag hindi ko nilakasan, si Ate Sugar mapapahamak," kuwento niya.

Nakaharap ng Team SUMY ang Team CHAO (Chanty Videla x ALAMAT Jao) sa dance showdown para sa Ultimate Dance Star Duo title.

Noong Season 1 ng dance competition, sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi ang unang kinilalang Ultimate Dance Star Duo.

Panoorin ang buong balita dito:

RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026 ends in fierce final dance battle