GMA Logo Sugar Mercado, Jeromy ng Hori7on
Source: _jeromymelendresbatac (IG)
What's on TV

Sugar Mercado, Jeromy ng HORI7ON, natulungan ng pagiging miyembro ng grupo ang magandang performance sa 'SOTF'

By Kristian Eric Javier
Published June 2, 2026 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DPWH engineer: Contractors paid around P10-M 'kickback' per project to Henry Alcantara
Jun Lana sa award-winning film na 'Muro-ami': 'It's so visual'
Old woman in Minglanilla, Cebu killed in house fire

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado, Jeromy ng Hori7on


Ano kaya ang naging epekto ng pagiging parte ni Sugar Mercado ng Sex Bomb Girls at ni Jeremy Batac ng Hori7on sa kanilang performance?

Para kina Sugar Mercado at Jeromy Batac, naging malaking tulong sa kanilang performance sa Stars on the Floor na mga miyembro sila ng isang grupo.

Matatandaan na si Sugar ay miyembro noon ng Sex Bomb Girls, habang si Jeromy naman ay parte ng P-Pop boy group na Hori7on.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 1, inamin nina Sugar at Jeromy na na-pressure silang galingan sa kanilang performance dahil sa kanilang mga grupo.

“Kasi sa grupo ko po, parang mas na-boost po 'yung confidence ko na ipakita 'yung sarili ko sa maraming tao at sa judges po. Dito sa Stars on the Floor, mas parang nai-a-apply ko po 'yun,” sabi ni Jeromy.

Para naman kay Sugar, malaking tulong na parte siya ng isang grupo dahil malaki ang expectation ng mga tao sa kaniya. Aniya, doble-doble ang naranasan niyang pressure at expectation dahil sa magagaling niyang kagrupo.

“Ang gagaling nina Ate Aira, 'yung expectation na magaling ka rin, andu'n po lahat kaya parang imbis na itong step lang na ito ang isipin ko, kailangan isipin ko rin na hindi ako mapahiya, 'yung ganu'n,” sabi ni Sugar.

Sa kabila ng kanilang efforts at pressure na nararamdaman, ibinilin umano ni Jeromy si Sugar na 'wag mag-expect ng magandang resulta dahil masasaktan lang sila kapag hindi iyon nangyari.

“So parang ang sinasabi ko po, kahit ano'ng mangyari, basta magawa lang po namin ng maganda 'yung piyesa namin, panalo na po kami sa sarili namin,” sabi ni Jeromy.

KILALANIN ANG P-POP GROUPS NA GUMAWA NG INGAY SA MUSIC SCENE SA GALLERY NA ITO: