GMA Logo Sugar Mercado and HORI7ON Jeromy
Photo source: Stars on the Floor
What's on TV

Sugar Mercado, todo pasasalamat sa pagkapanalo nila ni HORI7ON Jeromy bilang Ultimate Dance Star Duo

By Karen Juliane Crucillo
Published June 2, 2026 7:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ubang Bahin sa Nasud, Uwanon | Balitang Bisdak
DILG: Quick response saves 19 persons from ravine accident in Laguna
Gabbi Garcia and her mom share make-up tips in local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

Sugar Mercado and HORI7ON Jeromy


Sugar Mercado sa pagkapanalo nila ni HORI7ON Jeromy: "Sa totoo lang po, di pa din po ako makapaniwala."

Overwhelmed pa rin si Sugar Mercado sa kanilang pagkapanalo ni HORI7ON Jeromy bilang Ultimate Dance Star Duo sa Stars on the Floor 2026.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Sugar ang isang video compilation ng kanilang journey bilang Team SUMY at taos-pusong nagpasalamat sa tagumpay, lalo na't inamin niyang hindi nila inasahan na mananalo sa kompetisyon.

"Sa totoo lang po, di pa din po ako makapaniwala kami ni @_jeromymelendresbatac 'yung nanalo," bahagi niya.

Ibinahagi rin ng dancer na ang pagpasok sa kompetisyon ay una lamang niyang itinuring na trabaho para sa kanyang anak at pamilya.

Dagdag pa niya, "Di ko po hangad na manalo, kasi alam ko pag-inuna mo ang Panginoon sa buhay, panalong panalo ka na."

Inamin din ni Sugar na lahat ng pinagdaanan nila sa Stars on the Floor ay “walang katumbas” at talagang nagbigay sa kanila ng matinding hamon.

"LORD GOD na talaga 'yung pagkapanalo namin," aniya.

Sa gitna ng kanyang pasasalamat, binalikan niya ang mga pagsubok sa kanyang buhay, kabilang na ang pagkaka-ospital dahil sa sakit at injury bago ang finale.

"Naalala [ko] di natin hawak [ang] araw [at] panahon [at] oras, may likha lang tanging may alam ng lahat," dagdag niya.

"Isa po talaga ang [aking] masasabi, pag-inuna mo si LORD, lahat ng hirap [at] sakripisyo, babalik sayo ng Panginoon higit pa sa inaakala mo," aniya.

Ayon pa kay Sugar, sapat na sa kanila ni Jeromy ang mairaos ang kanilang performance nang ligtas at masaya—pakiramdam nila ay panalo na sila noon pa man.

"Philippians 4:13 reads, 'I can do all things through Christ who strengthens me,'" sulat niya.

Dagdag ni Sugar, "Pero grabe talaga [itong] binigay sa [amin] lahat ng papuri. Pasasalamat para lamang sa Ama langit Panginoon JESUS."

Hindi rin nakalimutan ni Sugar na pasalamatan ang kapwa dance stars na naging “pamilya” niya sa kompetisyon.

"Para sa [akin] lahat tayo panalo na. Mahal ko kayo. Salamat mga kapatıd. Para sa [ating] lahat 'yung tagumpay," sabi ng celebrity dance star.

"Multi maraming maraming salamat po sa lahat ng nagmahal [at] sumuporta sa [aming] Sumy!! Coach @jimloydtambot panalo! Coach thank you sa pagtitiis [at] tiyaga," pasasalamat naman ni Sugar sa mga coaches.

A post shared by Sugar Mercado (@masugarmercado7)

RELATED GALLERY: 'Stars on the Floor' 2026 ends in fierce final dance battle