
Two glamorous teams na may beauty, brains, and bold energy ang maghaharap para sa pagalingan sa pagsagot sa Family Feud.
Ngayong August 14, face off ng sultry stars of today's steamiest streaming hits at ang freshly crowned winners ng Mister International Philippines 2025 pageant ang masasaksihan sa Family Feud.
Ipakikita nina Angel Aril, Rinoa Halili, Zia Zamora, at Astrid Lee ang kanilang confidence at curves sa Team Curvalicious.
Samantala, mga eye candy at freshly crowned Mister International Philippines 2025 pageant ang maglalaro sa Team Gorgeousness. Sila ay sina Mister International Philippines 2025 Lloyd Garcia, Mister Earth International Philippines Larz Kent Dawson, Mister Charm Philippines Ryan Cruz, at Mister Model International Philippines JC Paras.
Tapatan ng looks, bodies, at wit ang aabangan ngayong Huwebes, August 14, kaya panoorin ito sa Family Feud.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.