GMA Logo
What's on TV

'Sunday PinaSaya' cast at staff, nagpaalam na sa programa

By Cherry Sun
Published December 30, 2019 10:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Spain probes whether swine fever outbreak was caused by lab leak
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagtatapos ng 'Sunday PinaSaya,' nagbalik-tanaw at nagpahayag ng pasasalamat sina Direk Louie Ignacio, Joey Paras at Rams David.

Matapos tumakbo ng apat na matagumpay na taon, nagtapos na ang Kapuso weekend noontime variety show na Sunday PinaSaya. Kasabay ng huling pag-ere nito nitong Linggo, December 29 ay ang pamamaalam din ng mga naging bahagi ng programa.

READ: Alden Richards, nagpapasalamat sa Sunday PinaSaya

Bahagi ng isinulat ni Direk Louie Ignacio, “Nag last episode na ang no.1 noontime variety show Sunday PinaSaya. Maraming, maraming salamat mga Kapuso na tumangkilik sa aming munting palabas. Sana ay napasaya namin kayo sa loob ng apat na taon. Binigyan niyo ng pagkakataon na pwede palang maging no. 1 ang comedy/musical format sa panghapong palabas.”

👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏

Isang post na ibinahagi ni Louie Ignacio (@direklouieignacio) noong

Nagpahayag din ng pasasalamat si Joey Paras.

Aniya, “Maraming Salamat Lord God sa APAT na TAON at APAT na BUWAN na pagkakataong makapagpasaya ng mga TAO. Thank you very much for the LOVE and SUPPORT. Paalam Sunday Pinasaya. Hanggang sa Muli! Thank You 2019, HELLO 2020!”

Maraming Salamat Lord God sa APAT na TAON at APAT na BUWAN na pagkakataong makapagpasaya ng mga TAO. 🙏🏻 Thank you very much for the LOVE and SUPPORT. Paalam Sunday Pinasaya. Hanggang sa Muli! 🥰 Thank You 2019, HELLO 2020! 💥💫✨🌟 #HappyNewYear #SundayPinasaya

Isang post na ibinahagi ni ⭐️ J O E Y P A R A S ⭐️ (@joey_paras) noong

Bilang huling mensahe naman ng talent manager at Triple A executive na si Rams David, binigyang-diin niyang hindi kailanman malilimutan ang masayang pagsasaamang inihatid ng programa.

“Mawala man kami sa ere, mananatili kami sa mga Puso nyo dahil pinatuloy nyo kami Linggo-linggo sa mahigit apat na Taon. Kayat tuloy Ang saya Dyan sa Puso nyo. Salamat mga Ka-Saya, Salamat mga KaPuso,” wika niya.

Huling hirit ngayong 12nn! Mawala man kami sa ere, mananatili kami sa mga Puso nyo dahil pinatuloy nyo kami Linggo-linggo sa mahigit apat na Taon. Kayat tuloy Ang saya Dyan sa Puso nyo. Salamat mga Ka-Saya, Salamat mga KaPuso ❤️ #SPSSweetGoodbye #SundayPinasaya #PasayahinNatinSila #MaramingSalamatPo

Isang post na ibinahagi ni Rams David (@ramsdavid86) noong

Samantala, wala naman dapat ikabahala ang Sunday PinaSaya fans dahil simula Enero 2020 ay mapapanood na ang bagong Kapuso show na All Out Sundays.