GMA Logo sunshine cruz
What's Hot

Sunshine Cruz reacts to Lolit Solis's opinion about her and Cesar Montano

By Nherz Almo
Published November 27, 2020 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOJ pressed over P1.5-B confidential funds in 2025; Vida says funds fully liquidated
Maestra sa Danao City, Nag-sorry sa Comment sa Social Media Batok USEC Castro | Balitang Bisdak
Moonstar88 reflects on their much-anticipated comeback

Article Inside Page


Showbiz News

sunshine cruz


Sunshine Cruz: "My ex husband is none of my business."

Nilinaw ni Sunshine Cruz ang kanyang panig sa inihayag na opinyon ng veteran entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa kanya at dati niyang asawang si Cesar Montano.

Sa Instagram post kasi ni Manay Lolit, sinabi niyang tila hindi na natapos ang intriga sa pagitan ng dating celebrity couple.

"Hanggang ngayon na meron na sila mga bagong partner para bang every now and then meron pang intriga between them," ani Lolit.

Muling naging laman ng balita ang mga pangalan nina Sunshine at Cesar matapos lumabas ang larawan ng aktor kasama ang five-year-old son ni Sandra Seifert.

Para kay Lolit, "Puwede naman hindi na sila nagbibigay ng statement, o sumagot sa issue, basta tinanong, smile na lang para tapos na, huwag ng pag usapan pa.

"Hindi matigil tigil, para bang umaandar bawat araw , walang katapusan. Kanya kanya na sila, kaya hintuan na ang issue.

"Dapat wala na silang pakialam sa isa't isa. Dapat iyon communication nila para sa mga anak na lang nila. No more hot words. Peace."

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis)

Sa comment section, agad namang nilinaw ni Sunshine na wala siyang anumang bagong pahayag tungkol kay Cesar.

Aniya, "Morning Tita Lolit. I haven't said a single word. My ex husband is none of my business. Annulled na po kami. I'd rather focus sa mga anak ko at sa trabaho."

sunshine cruz


Halos ganito rin ang kanyang sinabi sa kanyang Facebook post kanina, November 27.

Sabi ni Sunshine, "I never gave or I never plan to give any statement or grant any interviews involving my ex.

"My ex husband is none of my business."

Taong 2018 nang opisyal na ma-annul ang kasal nina Sunshine at Cesar matapos ang 15 taong pagsasama.

Sila ay may tatlong anak na babae, sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline, and Angel Franchesca.

Kasalukuyang masaya na si Sunshine sa relasyon nila ng kanyang longtime boyfriend na si Macky Mathay. Tingnan ang kanilang mga larawan dito: