What's Hot

Sunshine Dizon, sumabak bilang second unit director ng isang proyekto

By Dianara Alegre
Published January 21, 2021 10:55 AM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Cruz


'Magkaagaw' star Sunshine Dizon sa pagiging second unit director kay Direk Mark Reyes: “It's really my dream to be a director”

Sumabak sa bagong role si Magkaagaw star Sunshine Dizon sa isang bagong proyekto ngunit hindi siya gumanap bilang artista rito kundi bilang isang direktor.

Ipinasilip ng aktres sa kanyang Instagram ang behind the scenes bilang second unit director kay Direk Mark Reyes sa isang proyektong ginagawa ng kanilang production company.

Dagdag pa ni Sunshine, siya rin ang supervising producer at line producer ng nasabing proyekto.

Sunshine Dizon

Source: m_sunshinedizon (Instagram)

“It's very exciting at challenging at the same time 'cause I'm wearing several hats. I'm also the supervising producer, also line producing the project. It's really my dream to be a director, so once a window opens bakit ka pa hihindi?” aniya nang makapanayam ng 24 Oras.

Jeric Gonzales Sunshine Dizon at Klea Pineda

Source: m_sunshinedizon (Instagram)

Ang pagbabalik ng 'Magkaagaw'

Samantala, malapit na ring magbalik-telebisyon ang afternoon drama series na Magkaagaw na pinagbibidahan ni Sunshine kasama sina Sheryl Cruz, Klea Pineda, at Jeric Gonzales.

Natigil ang pag-ere ng serye bilang pagsunod sa safety protocols kaugnay ng coronavirus pandemic noong March.

“Naputol kami nung pandemic. Nandun kami sa height nung story, e. Nandun na 'yung mabubuking na ni Klea na si Veron 'yung kabit ni Gio. Nandun na, e. Tas nabitin, bitin na bitin,” sabi ni Sunshine.

Kaabang-abang din umano ang mga pasabog na fresh episodes dahil sa matitindi nitong eksena.

“Kakaiba 'yung makikita n'yo ditong confrontation scenes na siguro halos araw-araw din dun sa set namin nung naka-lock in kami palaging may confrontation scene 'di maubos-ubos,” ani Sheryl.

Dahil ilang buwang hindi umarte, nakatulong din umano sa cast ang ginawa nilang online script reading bago sumabak sa tatlong linggong lock-in taping.

Sa kanilang rest day, naging bonding ng iba pang cast members sina Polo Revales at Dion Ignacio ang pagwo-workout kasama sina Jeric at Sheryl.

“Way namin 'yun para maging effective kaming actor sa next taping day namin,” ani Polo.

Dagdag pa ni Dion, “Lahat kami ginawa namin 'yung 100% namin o lagpas pa kaya excited na din ako na mapanood 'to.”

Pero bago ipalabas ang fresh episodes ng Magkaagaw ay magkakaroon muna refresher episodes.

Abangan ang mainit na pagbabalik ng Magkaagaw sa GMA Afternoon Prime simula ngayong Lunes, January 18.

Silipin ang mga kaganapan sa lock-in taping ng high-rating series sa gallery na ito:

RELATED CONTENT:

'Magkaagaw' cast, pressured ba sa pagbabalik ng high-rating serye?