GMA Logo Sunshine Guimary
PHOTO COURTESY: The Boobay and Tekla Show
What's on TV

Sunshine Guimary, inilahad ang kanyang relationship status

By Dianne Mariano
Published January 19, 2023 9:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zaldy Co was building 5-storey basement in Forbes Park to store cash — DILG
Bus trips in Laoag fully booked until January 1, 2026
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Sunshine Guimary


Single o taken na ba ang sexy model-actress na si Sunshine Guimary? Alamin sa nakaraang episode ng 'The Boobay and Tekla Show.'

Mas nakilala pa ng mga manonood ang model-turned-vlogger and actress na si Sunshine Guimary matapos ang kanyang naging guest appearance sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang Linggo (January 15).

Sa naturang episode, sumalang sa hot seat ang sexy star-content creator at hinarap ang iba't ibang nakaiintrigang tanong sa “May Pa-Presscon” segment. Isa sa mga naging tanong kay Sunshine ay patungkol sa kanyang relationship status.

“Ang dami niyang followers na lalaki. Ang tanong nila, single ka raw ba o may chance pa sila?” tanong ni The Clash alumnus Jennie Gabriel.

Hindi sinagot ni Sunshine ng direkta ang tanong at sinabi na lamang na, “Warm ang aking Pasko.”

Bukod dito, naging model si Sunshine sa men's lifestyle magazine na FHM noong 2014 ngunit mas nakilala pa siya dahil sa kanyang sexy photos online.

Nilinaw naman ni Sunshine na hindi niya sinasadyang magpa-sexy at nais niya lamang mapanatili ang healthy na pangangatawan.

Aniya, “Gusto kong ma-maintain lang 'yung aking timbang, 'yung healthy lang siya. At the same time, uso 'yung micro mini those days. Kaya pak, order ako nang order.”

Matapos ito, sumabak din ang sexy actress sa “Guilty or Not Guilty,” kung saan sinagot niya ang iba't ibang maiinit na katanungan.

Isa na rito ay kung natutulog ba ang sexy actress nang walang damit. Ano kaya ang kanyang sagot? Alamin sa video sa ibaba.

Samantala, nakatanggap naman ng masayang birthday surprise ang TBATS host na si Tekla mula sa buong cast ng comedy show. Nagpasalamat din ang Kapuso comedian sa lahat ng bumubuo sa kanyang magandang karera tulad ng TBATS family, ang Kapuso Network, at Sparkle GMA Artist Center.

Aniya, “Thank you TBATS family and, of course, sa lahat po ng staff, sa crew, sa cameraman. Our director, Direk Rico, thank you for guiding us kapag may taping tayo. Salamat sa mga audience, sa GMA, sa mga boss, and to my manager, thank you so much. And of course, Sparkle [GMA Artist Center], thank you at kay Boobay, thank you very much."

Matapos ito, ipinamalas nina Tekla, Jennie, at Jessica Villarubin ang kanilang inner Celine Dion sa isang vocal showdown nang awitin nila ang hit classic na “To Love You More.”

Para sa nonstop tawanan at kulitan, tutok lamang sa The Boobay and Tekla Show tuwing Linggo via livestream at sa GMA pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

SILIPIN ANG EYE-CATCHING LOOKS NI SUNSHINE GUIMARY SA GALLERY NA ITO.