GMA Logo super tekla
Celebrity Life

Super Tekla, naiyak sa mensahe ng anak na si Theora

By Bianca Geli
Published October 3, 2020 2:08 PM PHT
Updated October 24, 2020 1:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OFW recalls experience saving child and old woman from HK residential fire
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

super tekla


'Di napigilang maluha ni Super Tekla ng marinig ang mensahe ng anak niyang si Theora, " Isa 'yan sa mga yaman ko talaga."

Naging emosyonal si Super Tekla nang mapanood ang video message ng anak niyang si Theora para sa kaniya.

Sa isang vlog ng showbiz reporter at talent manager na si Ogie Diaz, nagkasama sila ni Tekla at Donita Nose.

Dito, sinorpresa ni Ogie si Tekla ng isang video message mula sa kanyang panganay na anak.

Mensahe ng 12-anyos na anak ni Tekla, "Daddy, kahit malayo siya at hindi kami magkasama.

"Palagi kami nag-uusap at pinapaalala niya na maging mabuti ako sa lolo at lola ko na nag-aalaga sa 'kin ngayon.

"At 'yung responsibilidad niya sa 'kin hindi niya nalilimutan.

"Mahal na mahal ko po ang daddy ko at lagi ko pinapangako na pagbubutihan ko ang aking pag-aaral para ako naman ang mag-aalaga sa kaniya balang araw.

"Lagi kang magpapakatatag, daddy. Manalig ka kay Lord. Nandito lang ako laging nakasupporta sa'yo at sa kapatid ko."

Matapos mapanood ang video, maluha-luhang sinabi ni Tekla, "Sobrang proud na proud ako sa batang ito kasi ang ganda ng pagpapalaki sa kaniya.

"Walang galit sa puso 'yung bata. Isa 'yan sa mga yaman ko talaga."

Congratulations..anak my future beauty queen I'm so proud of you ilove you so much😍😍😍 #MyAirah

A post shared by SuperTeklah Librada (@superteklahlibrada) on

Masaya namang ibinahagi ni Tekla na bumubuti na ang kondisyon ng anak niyang si Baby Angelo, na inoperahan para sa multiple congenital anomalies.

Kuwento ni Tekla, "Si Baby Angelo ngayon, after two months na ganun' 'yung sitwasyon niya na may multiple congenital anomalies, hindi nag-develop masyado 'yung baby habang nasa womb ng mommy niya."

Dagdag ni Tekla, naging mahirap daw ang pagbubuntis ng kaniyang partner kay Baby Angelo at hindi niya ito kapiling sa unang trimester ng pagbubuntis nito.

"Yung first three months ng pagbubuntis ng mommy, 'yan talaga 'yung pinakacrucial na stage. Wala siya sa'kin nung time na 'yun," aniya.

Dagdag ni Tekla, kaysa sisihin ang ina ni Baby Angelo, mas pinili niya na lang na maghanap ng solusyon para sa pagpapagamot ng anak.

Sabi niya, "Nung una nagalit ako pero mas nag-focus na lang ako sa kung ano 'yung mga dapat gawin para maka-survive si Angelo."

Ayon kay Tekla, labis ang pagtangis niya sa kalagayan ng kanyang anak, "Hindi siya pagsubok, isa siyang malaking hampas sa akin, luluhod ka talaga [sa Diyos].

"Ito, big realization [sa akin]. Ang kagandahan lang, hindi niya binigay nang walang solusyon."

Kaugnay nito, nangako raw si Tekla sa Diyos mapagaling lamang si Angelo, "Yun ang iniyak ko sa Kanya. Sabi ko, 'Lord, marami akong pagkakasala, ibigay mo lang sa akin si Angelo. Ito lang hinihiling ko, lahat ilalapag ko.'"

Panoorin ang kabuuang pahayag ni Tekla rito: