
Gumawa ng ingay si Super Tekla noong isang linggo nang kumpirmahin niya na hindi na siya mapapanood sa show ni Willie Revillame.
Kaya naman nang mag-guest siya sa Barangay LS 97.1 sa programang ‘Potpot and Friends,’ last Friday (July 7) tinanong siya ng mga host nito na sina Papa Jepoy at Chikotito kung kamusta na siya.
“Syempre masakit, binigay ko kasi yung lahat ba, puso, time …never ako na-commit sa iba,” ang seryosong sagot ng magaling na komedyante.
“Nasa stage ako nang ano,,,para akong nag girlfriend na kaka-break up lang,” dagdag pa niya.
Pagpaliwanag din ni Super Tekla, nagbago talaga ang buhay niya nang mawala siya sa ‘Wowowin.’
“Yung routine ko araw-araw [yung ‘Wowowin], tapos biglang nag twist…sobrang… it hurts a lot.”
Panoorin ang kabuuan ng kanyang interview sa Barangay LS sa video na ito.
With SuperTeklah
Posted by Chikotito 971 on Thursday, July 6, 2017
MORE ON SUPER TEKLA:
WATCH: Super Tekla, may mensahe kay Willie Revillame
WATCH: Super Tekla, mapapanood pa rin sa GMA