GMA Logo Super Tekla
What's on TV

'Super Tekla,' rumaket sa 'It's Showtime'?

By Dianne Mariano
Published September 20, 2024 5:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Firework-related injuries at 57; majority of victims aged 19 and below —DOH
Macacua seeks special session to pass Bangsamoro districting law
Marian Rivera's family is in designer outfits for their Christmas photoshoot

Article Inside Page


Showbiz News

Super Tekla


Nagwagi bilang daily winner ang Super Tekla impersonator na si Vincent sa 'Kalokalike Face 4' ng 'It's Showtime.'

Naghatid ng saya sa mga manonood ang isa sa contestants ng “Kalokalike Face 4” na si Vincent, ang Super Tekla ng Zamboanga Del Norte, ngayong Biyernes (September 20) sa It's Showtime.

Makikita ang pagkakahawig ni Vincent sa host ng The Boobay and Tekla Show (TBATS) mula sa look at outfit, maging sa husay nito sa pagpapatawa.

Isang nakakatuwang performance ang hatid ng Super Tekla impersonator nang awitin niya ang “My Heart Will Go On” ni Celine Dion na may halong comedy.

Bukod dito, nakakulitan din ng hosts na sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, at actress na si Bela Padilla ang “Kalokalike” contestant nang nakapanayam nila ito.

Tanong ni Vhong, “Sa tingin mo, sino 'yung kamukha mong actress?” Ayon sa Super Tekla impersonator, ito ay si Bela Padilla. Dahil dito, ipinagtabi ang aktres at ang “Kalokalike” contestant.

“Ay grabe, parang salamin,” hirit ni Vhong. Dagdag na tanong pa niya, “Bakit mo naging kamukha si Bela Padilla?”

“Lamang lang ako ng kaunting ligo,” sagot ni Vincent.


Sa huli, itinanghal na daily winner si Vincent matapos makakuha ng tatlong “Kalokalike” results mula sa judges.

Related gallery: Trending 'Kalokalike Face 4' contestants

Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.