
Hinahangaan ngayon ang pagganap ni Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza bilang si Adelina sa historical drama series na Pulang Araw. Pero ang head writer na si Suzette Doctolero, may iba palang naiisip noon na gumanap sa role ni Barbie at ito ay walang iba kundi ang Primetime Queen na si Marian Rivera.
Sa latest episode ng Updated with Nelson Canlas podcast, ikinuwento ni Suzette na una niyang na-conceptualize ang Pulang Araw nang matapos ang seryeng isinulat din niya noon na Amaya.
Aniya, taong 2012 nang ginawa niya ang konsepto at isinumite sa GMA na agad namang naaprubahan. “In-approve kaagad siya kaya lang, hindi siya agad nagawa before kasi napaka-costly niya. At saka at the time, 'yung CGI natin, hindi pa naman talaga magaling, 'di ba?” sabi ni Suzette.
Kinuwento rin ni Suzette na noong nagko-conceptualize siya ng serye, isa sa mga una niyang naisip na gumanap sa mga bida ay si Marian Rivera.
BALIKAN ANG ILAN SA MOST MEMORABLE ROLES NI MARIAN A GALLERY NA ITO:
Kuwento ni Suzette, Christmas party noon ng cast at production team ng Amaya nang mapagkuwentuhan nila ni Marian ang tungkol sa Pulang Araw.
Aniya, “naikuwento ko sa kaniya, tapos gustong-gusto niya na gawin niya 'yung Pulang Araw at the time, kaya lang 12 years ago na 'yun. Hindi niya natuloy at the time pa dahil nga too costly.”
Dagdag pa ng batikang manunulat ay si Marian sana ang gaganap bilang si Adelina, at sinabing ang orihinal na konsepto ng kuwento ay dalawang tao lang ang bida; isang Pilipina at isang Hapones.
“Andodoon na rin 'yung love story, 'yung unang ginawa kong story ay kwento ng isang pag-iibigan ng dalawang lahi na sinira ng giyera. Part na siya ngayon ng kuwento ng AdeShi, ni Adelina at ni Hiroshi,” sabi niya.
Ibinahagi rin ni Suzette na bilang isang head writer at consultant na ngayon ng GMA, isa siya sa grupo ng mga namimili ng aktor na gaganap sa kani-kanilang mga role. Ayon pa sa kanya, kasama ang assistant vice president, network executives, at direktor sa mga pumipili ng artista na nararapat sa isang role.
“Lalo na 'to kasi pinasok namin 'yung vaudeville doon sa kuwento so importante rin na talagang performer sila,” sabi ni Suzette.
Pakinggan ang buong panayam kay Suzette dito: