GMA Logo Sylvia Sanchez
What's on TV

Sylvia Sanchez, nakuha na ang address ng ama na hindi nakita ng ilang taon

By Kristian Eric Javier
Published October 26, 2024 2:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 15, 2026
PBBM joins delivery of dual-fuel bulk carrier in Balamban, Cebu
A new 'Heated Rivalry' book is coming this September

Article Inside Page


Showbiz News

Sylvia Sanchez


Matapos ang ilang taon, may pagkakataon na si Sylvia Sanchez makitang muli ang kaniyang ama.

Matapos ang ilang taon, nalaman na sa wakas ni Sylvia Sanchez ang address ng kaniyang ama. Ngunit hindi daw niya alam kung buhay pa ba ito dahil iba-iba umano ang naririnig niya. Ganunpaman ay gusto pa rin niyang makita ito para makakuha ng closure.

Sa Fast Talk with Boy Abunda, binalikan ni Sylvia kung papaano niya isinakripisyo ang sarili para mabuhay ang kaniyang ina at mga kapatid nang tumayo siya bilang breadwinner ng kanilang pamilya.

Nag-ibang bansa kasi ang kaniyang ama na si Robert Ocampo at kahit paminsan-minsan ay umuuwi, hindi na ito muli pang nagpakita simula noong grade six siya. Ngunit kahit iniwan sila ng kaniyang ama, naging inspirasyon niya umano ito para maging magaling na aktres.

“'Di ba alam naman natin na inabandona kami ng tatay ko, nagkaroon ako ng 'Papa, one day, one day, one day, sisikat ako.' And sabi ko sa kaniya, 'Hahangaan mo 'ko, papalakpakan mo 'ko, Papa,'” sabi niya.

Sabi ni Sylvia, alam nila na nasa Brazil ang kaniyang ama, ngunit hindi nila alam kung nasaan ito eksakto. Kuwento ng aktres, 1992, noong manalo siya ng Best Supporting Acress sa Metro Manila Film Festival, ay saka lang niya napatawad ang kaniyang ama sa ginawa nitong pag-iwan.

“'Yung pagtanggap ko ng award, ewan ko, hindi ko alam, basta bigla na lang nawala 'yung galit. Parang 'Papa, dahil sa'yo kaya nakuha ko 'to.' Tapos nanawagan pa nga ako nu'n, sabi ko na gusto kong makita, mayakap ang papa ko. Hindi ko kailangan ng explanasyon niya bakit niya ginawa 'yun, hindi ko kailangan ng sorry niya, isang yakap lang, Kuya Boy. Na hindi naganap,” sabi ng aktres.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAKATAMPUHAN NAMAN ANG KANILANG PAMILYA SA GALLERY NA ITO:

Ngunit noong umaga ng interview niya sa Fast Talk with Boy Abunda, pinadala ng tita niya mula Mindanao ang address umano ng kaniyang ama nang hindi niya inaasahan. Pag-amin ni Slyvia, pinag-isipan niya kung pupuntahan niya ito.

“Closure lang, buhay, patay, kasi meron kasing nagsabi na buhay, maraming nakakita, may nagsabing patay,” sabi ni Slyvia.

Ngunit aniya, may nakapagsabi sa kaniya isang araw na kasama nito ang kaniyang ama at na pumanaw na ito. Pag-amin ni Sylvia, hindi siya sigurado kung maniniwala siya, ngunit sinabi niyang maaaring totoo dahil kilala siya nito bilang si Jojo Campo.

“Kuya Boy, walang nakakaalam ng pangalan kong taga-Manila na Jojo Campo. Kung alam mo 'yung pangalan ko, taga-Mindanao ka, taga amin ka,” paliwanag ng batikang aktres.

Sa ngayon, sabi ni Sylvia, gusto lang niya makakuha ng closure mula sa kaniyang ama. Aniya, “Parang sabi ko, 'Pupuntahan ko, gusto ko lang ng closure.' Patay o buhay, gusto ko siyang makita. Kung patay, gusto ko siyang makita just to say ba-bye, Papay, and I love you and thank you. Dahil sa'yo, naging inspirasyon kita, nagpursigi talaga ako.”