
Hindi inakala ng Kapuso stars na sina LJ Reyes at Pancho Magno na dadagsa ang supporta para sa kanilang recent Tadhana episode, ang Tadhana: Ang Lihim ni Ellen, kung saan makikilala ng seaman na si Migo (Pancho Magno) ang dalagang si Ellen (LJ Reyes).
Mabubuo ang pagiibigan sa dalawa ngunit hindi sumipot si Ellen sa araw ng kanilang pagtatanan dahil sa isang nakakagulat na sikreto.
Kuwento ni Pancho sa kanilang Tadhana Facebook livestream, "Gusto ko lang magpasalamat hindi lang sa mga nakasama ko sa Tadhana, hindi ko inakala na magiging ganito 'yung effect. 'Yung character ko rito si Migo isa akong seaman na nagbakasyon sa lugar ng kaibigan niya. Meron siyang ma-di-discover na hindi niya makakalimutan. Sobrang exciting nito. Mind-blowing siya. May twist."
Dagdag naman ni LJ, "Noong ginagawa namin siya at tini-tape namin, we were so interested in the story. Ako naman ang character ko ay si Ellen, isa siyang babae na naghahanap ng pagmamahal kasi nawalan siya ng magulang and feeling niya walang nagmamahal sa kaniya."
Naging maingat daw ang buong cast and crew sa kanilang naganap na lock-in taping para sa episode. Kuwento ni Pancho, "We did our swab testing, lahat kami negative. One thing important na coming from the two of us kasi parehas kaming parents. Sanitized naman lahat. Mas relaxed lang and iba 'yung experience working again with LJ, Wynwyn (Marquez), Joaquin (Manansala) and Skelly-Skelly, kahit mabibigat na scenes namin."
Dagdag ni LJ, "GMA is very strict with the safety protocols and guidelines so it's good kasi medyo praning din ako kasi may pamilya rin ako. Minsan lang ako makatanggap ng work na taping kasi medyo takot pa ako at hindi ko maiwan 'yung mga bata so 'yung mga ganito na short tapings natatanggap ko. It's been a good experience. Sobrang happy ako to work with Director Mike (Cardoz) and makita rin si Wynwyn. Very different din 'yung episode na ginawa namin."
Panoorin ang Part 1 ng Tadhana: Ang Lihim ni Ellen: