GMA Logo Tadhana
What's on TV

Tadhana: Hating Kapatid Part 2, tampok ngayong Sabado

By Bianca Geli
Published August 26, 2021 2:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Nag-agaw buhay ang isang ina matapos atakihin nang mag-away ang mga anak para sa mana!

Ngayong Sabado sa Tadhana, tampok sina Valerie Concepcion, Lucho Ayala, Yasser Marta, Elle Villanueva, at Ces Quesada sa isang storya tungkol sa pamilya na nagkawatak-watak dahil sa mana.

Mula nang pumanaw ang kanilang ama, wala nang ginawa si Daisy (Valerie Concepcion) at Pablo (Lucho Ayala) kundi saktan at lokohin ang bunsong si Tirso (Yasser Marta). Sa kanya kasi ipinamana nang yumaong padre de pamilya ang bahay at lupa.

Sa away ng magkakapatid, pati ang buhay ng kanilang ina ay malalagay sa alanganin. Inatake sa puso ang kanilang ina matapos mag-away-away ang magkakapatid. Ang masaklap pa, hinahabol pala ng sindikato si Daisy dahil sa isang atraso.

Baon na pala ang panganay nila sa utang kaya desperadang makuha ang kanyang mana. Paano kung ito ang maging mitsa ng peligro sa kanilang buhay? Makaligtas pa kaya ang magkakapatid? Magkaayos pa kaya ang kanilang pamilya?

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa Part 2 ng Tadhana: Hating Kapatid, ngayong Sabado, August 28, 3:15pm sa GMA-7!