GMA Logo Tadhana
What's on TV

Tadhana: Kakambal, Kaagaw: The Finale

By Bianca Geli
Published May 20, 2022 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Tadhana


Fake life ng bitter twin sister, bistado na. Inagaw na pamilya't pag-ibig, mabawi pa kaya ng kanyang kapatid? Abangan sina Rita Daniela at Paul Salas ngayong May 21 sa 'Tadhana.'

Ngayong Sabado, May 21 sa Tadhana, nanganib ang buhay ni Laura (Rita Daniela) dahil sa isang aksidente.

Kaya naman habang siya ay nagpapagaling ang bitter twin sister na si Alyssa, nagpanggap at inagaw ang pag-ibig pati na rin ang singing career ni Laura. Maging ang fiance nito na si Kenneth (Paul Salas), walang kamalay-malay sa maitim na plano ni Alyssa.

Pero ang fake life ni Alyssa, mabibisto mismo ng kanyang Nanay Anita (Lilet Esteban)! Ngayong malakas na si Laura, mabawi pa kaya niya ang buhay na inagaw ng kanyang kakambal sa kanya?

Huwag palalampasin ang mas tumitinding eksena nina Rita Daniela, Paul Salas, Lilet Esteban, Pinky Amador, at TikTok star Trixie Lalaine.

Samahan si Primetime Queen Marian Rivera sa kwento ng Tadhana: KAKAMBAL, KAAGAW THE FINALE ngayong Sabado, 3:15 PM sa GMA-7!

Tingnan ang cast ng Tadhana: Kakambal, Kaagaw: