
Kumpirmado na ni Grace (Glaiza De Castro) ang pagtataksil ni Daniel (Juancho Trivino) sa kanya. Ang mas masakit pa rito, ang dati niyang katrabaho sa New Zealand na si Selena (Vaness del Moral) ang itinatagong kabit ni mister. Nang malaman ni Grace ang balak na pagpapakasal nina Daniel at Selena ay gagawin niya ang lahat mapigilan lang ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Pero sina Daniel at Selena, may masama rin palang binabalak kay Grace.
Sundan ang pagpapatuloy ng kuwento ng 'Tadhana: My Husband's Wedding' tuwing Sabado, 3:15 PM sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.