
Inamin ni Tala Gatchalian na gusto niyang manalo sa Tanghalan ng Kampeon season 2 pero hindi niya raw inaasahang siya ang itinanghal na grand champion kahapon (November 21) sa TiktoClock.
Sa kaniyang pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ay inilahad ni Tala ang kaniyang nararamdaman pagkatapos ng pagkakapanalo bilang grand champion.
Kuwento ni Tala, "Yes po, gusto ko pong manalo. Pero hindi po kasi ganoon kataas 'yung expectations ko sa sarili ko po."
Paliwanag ni Tala na hindi mataas ang kaniyang confidence dahil sa mga feedback sa kaniya noon.
"Medyo mababa po talaga ang confidence ko pagdating sa singing kasi nga po hindi ako bumibirit. Simula noon pa lang po, naririnig ko na hindi ako magaling kasi hindi ako nakakabirit."
RELATED GALLERY: Faith Da Silva at Herlene Budol, kasamang nakipagkuwentuhan si Tala Gatchalian sa 'Fast Talk with Boy Abunda'
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Tala ay inamin niyang hindi niya pa alam ang mga susunod niyang hakbang ngayong may titulo na siyang grand champion sa Tanghalan ng Kampeon season 2.
Pag-amin ni Tala unang beses niya ma-experience ang ganitong achievement sa kaniyang buhay.
"First time ko po ever, buong buhay ko, 24 years, ngayon lang po naka-experience ng ganito. Kaya kung ano po ang ibibigay sa akin na mga projects at kung ano po ang mga nakalaan po para sa akin talagang hindi ko puwedeng hindian kasi hiniling ko 'to."
Dugtong pa ni Tala, "Yung childhood ko tumatalon kanina."
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2 GRAND FINALS SA TIKTOCLOCK: