GMA Logo Tala Gatchalian
PHOTO SOURCE: TiktoClock
What's on TV

Tala Gatchalian, may payo sa mga sasali sa 'Tanghalan ng Kampeon 2025'

By Maine Aquino
Published January 20, 2025 6:54 PM PHT

Around GMA

Around GMA

For Maggi PR Article In Photo 5
Libreng pap smear at breast exam, hatid ng GMAKF sa Catanduanes ngayong Women's Month | 24 Oras
Man punches senior citizen during road altercation; faces raps

Article Inside Page


Showbiz News

Tala Gatchalian


Ano ang maipapayo ni Tanghalan ng Kampeon season 2 grand champion na si Tala Gatchalian sa mga sasali sa Tanghalan ng Kampeon 2025?

May payo na ibinigay ang "Tanghalan ng Kampeon" season 2 grand champion na si Tala Gatchalian sa mga Pilipinong may pusong kampeon na gustong sumali sa "Tanghalan ng Kampeon 2025."

Si Tala ay ang nagwagi sa "Tanghalan ng Kampeon" season 2 sa Inoong November 21, 2024.

Sa pagbubukas ng "Tanghalan ng Kampeon 2025," nagbigay ng payo si Tala sa aspiring singers na gustong ipakita ang kanilang galing sa TiktoClock.

INSET: 1
IAT: Tala Gatchalian
PHOTO SOURCE: TiktoClock

Ani Tala, "Ang advice ko lang po sa kanila is lagi po silang maging ready."

Para kay Tala, dapat ay mag-enjoy at ibigay ng mga sasali ang kanilang pinakamahusay na performance.

"I-enjoy lang nila 'yung entablado. Isipin nila nagko-concert sila tapos last na 'yun para mailabas nila 'yung pinaka-best nila."

Itinanong din sa TiktoClock kung ano na ang mga pagbabago sa buhay ni Tala pagkatapos siyang hiranging grand champion sa "Tanghalan ng Kampeon."

Ani Tala, "Dumadami po 'yung raket ko. And siyempre, nagkakaroon na po ako ng mga sponsors. Lumalaki TF (Talent Fee)."

Subaybayan ang "Tanghalan ng Kampeon 2025" sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang TiktoClock sa GMA Network YouTube channel at TiktoClock Facebook page.

SAMANTALA, BALIKAN ANG WINNING MOMENT NI TALA GATCHALIAN SA TANGHALAN NG KAMPEON SEASON 2 SA TIKTOCLOCK: