
Sa huling gabi ng Tale of the Nine Tailed, mapapanood na ang pinaka-nakakakilig na mga eksena sa pag-iibigan nina Leon at Gia.
Mula nang pagtagpuin ng tadhana, ilang beses na niligtas ng nine-tailed fox na si Leon ang mortal na si Gia.
Unang iniligtas ni Leon si Gia sa isang gusali nang subukin nito ang kanyang kapangyarihan bilang isang gumiho.
Napatunayan naman ni Gia na isa ngang kakaiba at makapangyarihang nilalang si Leon.
Kasunod nito, naging madalas na ang naging pagsasama ng dalawa.
Habang nasa opisina, isang masamang nilalang na nagkunwaring empleyado ang nakasama ng TV producer na si Gia.
Tinangka nitong paslangin at kainin nang buhay si Gia. To the rescue naman si Leon upang iligtas ito sa kapahamakan.
Kalaunan, naging mas malapit ang loob nila sa isa't isa. Matapos ang ilang mga napagtagumpayang problema, unti-unti nang umusbong ang pagtingin nila sa isa't isa.
Isang araw, hinabol ng mga ligaw na kaluluwa si Gia. Habang si Leon ay nasa malayong lugar upang tanggapin ang parusa dahil sa isang rule na kanyang nasuway, pinilit niyang makaalis agad dito upang puntahan si Gia.
Nang makaalis na si Leon, agad niyang pinuntahan si Gia at inilayo ito sa mga kaluluwa na may masamang balak sa kanyang kasintahan.
Isa rin sa mga naging kalaban ni Leon ay ang matandang babae na tinawag nilang “ang kadiliman.”
Nang magtagumpay si Leon sa pakikipaglaban dito, isang imoogi naman ang kanyang naka-engkuwentro.
Dahil dito, mas nalagay sa panganib ang buhay ni Gia.
Sa pagtatapos ng kwento ng hiwaga at kababalaghan sa Tale of the Nine Tailed, ilang kapana-panabik na eksena ang dapat abangan ng mga manonood.
Sinu-sino ang makakaligtas mula sa kasamaan ng isang imoogi?
Makakamtan ba nina Leon at Gia ang happy ending?
Huwag palampasin ang pagtatapos ng kuwento ng isang gumiho at isang mortal.
Abangan ang huling gabi ng Tale of the Nine Tailed, mamayang 9:35 p.m. sa GMA Telebabad.
Maaari niyong balikan ang unang pagtatagpo nina Leon at Gia rito:
Samantala, kilalanin ang lead Korean actress ng Tale of the Nine Tailed na si Jo Bo-ah sa gallery na ito: