
Nagsalita na ang digital creator at talent handler na si Marv Ayao tungkol sa diumano'y panghahampas ng cellphone ni Miss Universe Philippines CEO Jonas Gaffud sa coronation night ng beauty pageant noong May 2.
Ipinaliwanag ni Marv sa isang post sa kanyang Facebook page na hindi siya binato ng cellphone ni Jonas. Ang tinutukoy ni Marv ay isang viral video kung saan nakitang tila may hahampasing cellphone si Jonas habang may technical difficulties ang mikropono na gamit ni Ralph de Leon.
Ayon kay Marv, pinapatawa niya si Jonas habang nangyayari ang technical difficulties na ito. Dahil daw walang lumalapit sa kanya mula sa production at walang signal sa loob ng SM Mall of Asia Arena, na-frustrate si Jonas at muntik nang ihampas ang cellphone sa mesa.
Gayunpaman, nilinaw ni Marv na hindi ito ginawa ni Jonas at hindi rin siya hinampas ng telepono.
"Hindi niya naman hinampas phone niya galit lang tsaka malayo ang phone niya sa mukha ko at hawak niya parin ang phone niya. Hahaha so wala pong nanakit at walang nahampas on that night."
Nagbiro pa siya na bakit naman siya hahampasin ni Jonas kung paborito siya nito at palaging kasama sa biyahe abroad.
"Bat naman mananakit si mama j, eh ako po lagi kasama niya sa lahat ng travels niya, ako ang paborito, at kung san nakatira yung family niya sinasama niya po ako doon at kung saan man. Parang MaMa na po turi ko kay Mama J. Kaya hindi po totoo yung mga kumakalat na kwneto sa social media. And I. Thank you."
Basahin ang kanyang buong post dito:
Maliban kay Marv, nagsalita rin ang ibang executives ng Miss Universe Philippines organization para depensahan si Jonas.
Sa isang interview sa ibang media outlet, idiniin ni Miss Universe Philippines Executive Vice President Voltaire Tayag na walang hinampas ng telepono si Jonas, at nagawa pa nga nilang biro ang nangyari.
“It was very clear he did not make hampas to anyone. In fact, natawa nga ako,” pagalala niya. “In my mind, 'Oh my gosh, baka nasira niya 'yung phone niya.' And seconds later, he looked at it. Later on, I was even joking at him, 'At least meron tayong sponsor na phone.'”
Sa naturang event, kinoronahan si Bea Millan-Windorski bilang Miss Universe Philippines 2026.
Nanalo si Bea dahil sa sagot niya sa tanong na “Many Filipinos are getting frustrated with the country. For you, why is it still worth representing the Philippines on the global stage?”
Ito ang sagot ni Bea: “The Philippines is a place that I've been in love with my whole life. Growing up in a predominantly non-diverse part of the United States, I was identified as Filipina first and foremost.
"I often had to point out where the Philippines was on the map to my peers, and I always felt a sense of belonging and home.
"I chose to pack my life in balikbayan boxes and food cases because I believe in the limitless potential of the Filipino people and in the need to create local opportunities here so that people don't have to go abroad and be separated from their families in order to survive and thrive.
"If I were to be given the title of Miss Universe Philippines, I promise to be a public servant for all.”
Related gallery: Meet Miss Universe PH 2026 Bea Millan-Windorski