
Ngayong Lunes, simula na ng pagpapakilig sa Philippine television ng Thai stars na sina James Jirayu Tangsrisuk at Ice Preechaya Pongthananikorn bilang sina Timothy at Rose sa pinakabagong Lakorn series ng GMA, ang Prophecy of Love.
Makakasama rin nina James at Ice sa serye na ito sina Pop Thatchathon (Paul), Pear Pitchapa Phanthumchinda (Rylie), Nat Nattaraht Maurice Legrand (Nikolai), Noon Ramida Prapasanobon (Layla), Mai Warit Sirisantana (Karl), Benz Kamonchanok Rodsatien (Ran), Jab Penpetch Benyakul (Mr. Wutthikorn), Petch Krunnapol Teansuwan (Thompson), at Noon Daran Thitakawin (Wanda).
Magsisimula ang love-hate relationship nina Timothy at Rose nang masangkot sa isang car accident ang huli at bigla na lamang nagkaroon ng abilidad na makita ang hinaharap ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa rosas na nahawakan nito.
Isa sa mga hinulaan ni Rose ay ang sikat na aktor na si Timothy kung saan, aniya, mai-involve ito sa babaeng buntis. Dahil dito, nalagay sa trouble ang showbiz career ni Timothy.
Subaybayan ang Prophecy of Love, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA.
Samantala, mas kilalanin pa ang Thai actor na si James Jirayu Tangsrisuk sa gallery na ito: