GMA Logo James Jirayu Tangsrisuk and Ice Preechaya Pongthananikorn
What's Hot

'Prophecy of Love,' bagong Lakorn series na mamahalin ngayong Hulyo sa GMA

By Aimee Anoc
Published June 13, 2022 8:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD to reach out to more street dwellers amid holidays
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas

Article Inside Page


Showbiz News

James Jirayu Tangsrisuk and Ice Preechaya Pongthananikorn


Handa nang magpakilig sina James Jirayu Tangsrisuk at Ice Preechaya Pongthananikorn tuwing umaga sa 'Prophecy of Love.'

Simula Hulyo, muling magpapakilig sa Philippine television ang Thai stars na sina James Jirayu Tangsrisuk at Ice Preechaya Pongthananikorn sa pinakabagong Lakorn series ng GMA, ang Prophecy of Love.

Una nang napanood si James sa GMA sa drama series na Game of Affection habang si Ice naman ay napanood sa Switch.

Makakasama nina James at Ice sa Prophecy of Love sina Pop Thatchathon (Paul), Pear Pitchapa Phanthumchinda (Rylie), Nat Nattaraht Maurice Legrand (Nikolai), Noon Ramida Prapasanobon (Layla), Mai Warit Sirisantana (Karl), Benz Kamonchanok Rodsatien (Ran), Jab Penpetch Benyakul (Mr. Wutthikorn), Petch Krunnapol Teansuwan (Thompson), at Noon Daran Thitakawin (Wanda).

Magsisimula ang kuwento ng Prophecy of Love nang masangkot sa isang car accident si Rose (Ice) at bigla na lamang nagkaroon ng abilidad na makita ang hinaharap ng isang tao sa pamamagitan ng paghawak sa rosas na nahawakan nito.

Isang araw, gumawa ng prediksyon si Rose sa publiko tungkol sa sikat na aktor na si Timothy (James), na aniya ay makabubuntis ng isang babae at magkakaroon ng anak. Dahil sa pangyayaring ito, nalagay sa trouble ang showbiz career ni Timothy at dito na magsisimula ang kakaibang kuwento ng pag-ibig nilang dalawa.

Abangan ang Prophecy of Love ngayong Hulyo sa GMA.

Samantala, kilalanin si James Jirayu Tangsrisuk sa gallery na ito: