
Muling matutunghayan ang tambalang Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara na nagsama sa ikalawang kwento mula sa second season ng hit GMA Telebabad miniseries na I Can See You na '#Future.'
Mapapanood muli ang '#Future' simula December 18 hanggang December 22 via GMA Afternoon Prime. Orihinal itong pinalabas noong April 5, 2021 hanggang April 9, 2021.
Tungkol ang #Future sa aspiring segment producer na si Vinchie, ginampanan ni Miguel, na naghahanap ng trending news. PInagkakakitaan niya ito kaya kahit misleading ang kanyang content, ginagawan niya ito ng kwento para mag-viral.
Sa isang scoop na kanyang nakunan, involved pala ang kanyang ama na si Elvin, ginampanan ni Gabby Eigenman. Samantala, si Aiko Melendez ang gumanap na ina ni Miguel sa #Future.
Dahil sa isang misteryosong CCTV camera, nagkaroon ng supernatural ability si Vinchie--ang makita ang trahedya bago ito mangyari. Sa isang pangyayari, nakilala niya ang problemadong dalaga na si Lara, ginampanan ni Kyline, na sinagip niya mula sa depresyon.
Parte rin ng '#Future' sina Mikoy Morales, Dani Porter, J-mee Katanyag, at Francis Mata.
Muling ipapalabas ang I Can See You: #Future simula Lunes, 4:05 p.m. pagkatapos ng Stolen Life sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream.
Muli ring ipapalabas ang dalawa pang kwento ng I Can See You na 'The Lookout' at 'On My Way To You.' Mapapanood ang 'The Lookout' mula December 25 hanggang December 29, samantalang mapapanood ang 'On My Way To You' mula January 1 hanggang January 5.