
Simula ngayong Lunes, August 29, mapupuno ng kilig at good vibes ang ating umaga kasama sina Nadech Kugimiya (Edward) at Bow Maylada Susri (Vivian) sa simple pero nakatutuwa nilang love story sa pinakabagong Lakorn series ng GMA, ang To Me, It's Simply You.
Makakasama rin nina Nadech at Bow Maylada sa award-winning Thai series na ito sina Danny Luciano (Richie), Lita Kaliya Niehuns (Alice), Tao Pusin Warinruk (Bong), Nubtung Nunnapas Radissirijiradech (Nimfa), Somjit Jongjohor (Bert), Chamaiporn Sitthiworanang (Myrna), Yeong Lookyee (Jose), at Namfon Sueangsuda Lawanprasert (Elena).
Magsisimula ang kuwento ng To Me, It's Simply You sa pagbabalik probinsya ni Edward, isang series director sa Bangkok, matapos na pagtaksilan at lokohin ni Alice, ang sikat na aktres na minahal at pinagkatiwalaan niya.
Nang malamang may mamanahing lupain mula sa kanyang lola, agad na naisip ni Edward na ipagbili ang lupa para makapagsimulang muli. Pero hindi rito sumang-ayon ang kanyang lola.
Sa pag-aasam na mapapayag ang lola niya, tinanggap ni Edward na magtrabaho sa bukirin sa tulong ni Vivian, ang babaeng umuupa at nagtatrabaho sa lupaing mamanahin niya.
Sama-sama tayong tumutok sa To Me, It's Simply You, ang seryeng magpapa-realize na simple lang pala ang buhay, simple lang ang magmahal. Abangan ito Lunes hanggang Biyernes, 9:00 a.m. sa GMA.
TINGNAN ANG THAI STARS NA NAPANOOD NA SA GMA HEART OF ASIA RITO: