GMA Logo Lucky Robles in Tanghalan ng Kampeon
What's on TV

Tanghalan ng Kampeon grand finalist na si Lucky Robles, ipinaliwanag ang estado ng kalusugan

By Maine Aquino
Published March 21, 2024 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace: Marcos will have working Christmas holidays
Fr. Gianluigi Colombo, founder of Amici Philippines, passes away
Matibay na tulay, ipinatatayo sa Brgy. Puray ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Lucky Robles in Tanghalan ng Kampeon


Ikinuwento ni Lucky Robles ang dahilan kung bakit magpapahinga muna siya mula sa "Tanghalan ng Kampeon" sa 'TiktoClock'.

Ikinuwento ni Lucky Robles na five-time winner at grand finalist ng Tanghalan ng Kampeon ang dahilan kung bakit pinili niyang hindi na ipagpatuloy ang laban bilang kampeon.

Sa episode kahapon (March 20) sa TiktoClock, inilahad ni Lucky na nais niyang tutukan ang kaniyang kalusugan kaya hindi na siya sasabak sa susunod na banggaan.

Kahit na hindi na itutuloy ni Lucky ang laban ay mayroon na siyang spot sa grand finals. Kasama niyang lalaban sa Tanghalan ng Kampeon grand finals ang mga kampeon na sina Sheena Palad at MC Mateo.

Kuwento ni Lucky sa online exclusive ng "Tanghalan ng Kampeon", "Kaya hindi ko na ito ipinagpatuloy kasi grand finalist na tayo e, so happy na ako doon. At the same time, kailangan ko rin pong magpahinga at tutukan ang health ko. Kasi may time na nangangalay na naman ang half ng body, including my face. Ayoko kasing maulit 'yung nangyari last time baka mag-lead to mild stroke tayo."

Dugtong pa ng unang lalaking kampeon ay kailangan niyang maging maingat, "Kailangan nating mag-ingat at maging extra careful sa ating health para pagdating ng grand finals e bakbakan ng todo kasama ng aking kapwa grand finalists."

A post shared by TiktoClock (@tiktoclockgma)

Sa episode ngayong March 21, naipaliwanag ni Lucky ang estado ng kalusugan.

Ayon kay Lucky, bago pa siya sumabak sa "Tanghalan ng Kampeon" ay may dinaramdam na siya sa kaniyang kalusugan.

"Last two weeks bago po ako sumalang sa Tanghalan ng Kampeon, nagkaroon po ako ng problema sa half ng body ko. May time na nangangalay po yung left arm and yung face. Overfatigue po ang sabi ng doktor kasi okay naman daw po 'yung blood pressure ko."

Paliwanag ni Lucky nagdesisyon siyang ihinto na ang laban sa Tanghalan ng Kampeon dahil sigurado naman siyang pasok na siya sa grand finals. Habang naghihintay ng grand finals ay magpapahinga muna si Lucky para sa ikakabuti ng kalusugan.

"Natatakot po ako kasi baka mamaya 'yung mga findings hindi natin masasabi kung tama so rather na mag-rest para sure po tayo."

Patuloy na subaybayan ang laban para sa boses at pangarap sa "Tanghalan ng Kampeon". Tutukan ito sa TiktoClock Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa GMA Network.

Mapapanood din ang TiktoClock sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.