GMA Logo Tanghalan ng Kampeon
What's on TV

Tanghalan ng Kampeon season 2, mapapanood sa 'TiktoClock'

By Maine Aquino
Published June 22, 2024 9:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LTFRB to bare fare hike plan to DOTr on Monday
How to add 'golden elegance' to home Christmas decorations
Monterrazas welcomes probe; denies causing deadly Cebu floods

Article Inside Page


Showbiz News

Tanghalan ng Kampeon


Muling bibida ang mga Pilipinong may pusong kampeon sa Tanghalan ng Kampeon season 2 sa 'TiktoClock'.

Mapapanood na muli sa TiktoClock ang Tanghalan ng Kampeon!

Sa darating na Lunes, June 24, magsisimula na ang Tanghalan ng Kampeon season 2 sa TiktoClock.

Sa season 2 ng Tanghalan ng Kampeon, muling magbubukas ng tanghalang magbibida sa mga Pilipinong may pusong kampeon. Sa mga may galing sa pagkanta at pusong kampeon, maghanda sa pagsali sa ikalawang season ng Tanghalan ng Kampeon.

Ayon sa inampalan na si Renz Verano, handa na silang maghanap ng bagong kampeon sa Tanghalan ng Kampeon season 2.

"Magkakaroon na tayo ng season 2, aba'y handang-handa po kami. Kaya po 'yung mga gustong sumali aba'y agahan po ninyo, baka mahuli po kayo sa pila."

Para sumali sa Tanghalan ng Kampeon season 2, mag-audition lamang sa GMA Studio 6, Wednesday at Thursday, 3:00 to 5:00 p.m. at hanapin si Rommel Bago.

Tutukan ang Tanghalan ng Kampeon season 2 simula June 24, 11:00 a.m. sa TiktoClock. Panoorin ang TiktoClock sa GMA Network at sa GTV at sa YouTube via Kapuso Stream at sa TiktoClock Facebook page.

SAMANTALA, BALIKAN ANG GRAND FINALS NG TANGHALAN NG KAMPEON SA TIKTOCLOCK: