
Si MC Mateo ang kinilala bilang grand champion ng "Tanghalan ng Kampeon" sa TiktoClock.
Pagkatapos ng ilang linggong paghahanap ng mga kampeon na maglalaban-laban para sa titulong grand champion, si MC ang itinanghal na pinakamahusay sa "Tanghalan ng Kampeon".
Si MC ang pinili ng mga inampalan ng "Tanghalan ng Kampeon" grand finals na sina Renz Verano, Jessica Villarubin, Carl Guevarra, Daryl Ong, at Hannah Precillas.
Nakalaban ni MC sina Rica Maer, Shamae Mariano, at Rdee Asadon sa Final 4. Sa huli, si MC ang kinilalang "Tanghalan ng Kampeon" Grand Champion na nagwagi ng PhP 500,000 at management contract sa Sparkle GMA Artist Center.
Congratulations, MC!
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA NAGING GRAND FINALISTS NG TANGHALAN NG KAMPEON DITO:
KEYWORDS: tanghalan ng kampeon, grand finals, tiktoclock, grand champion, entertainment, rss, rssfeed