GMA Logo family feud
What's on TV

Tapatan ng pamilya nina Richard Yap at Iwa Moto, mapapanood ngayong Martes sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published July 21, 2026 11:28 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Some senator-judges express reservations over subpoena for Sara Duterte's financial records
Suspect in bank personnel robbery nabbed in MisOr raid
Sam Bernardo encourages Filipinos to invest in oral health

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Narito ang mga makakasama nina Richard Yap at Iwa Moto sa 'Family Feud' ngayong July 21.

Proud Filipino-Asian families sa pangunguna nina Richard Yap at Iwa Moto ang maghaharap ngayong Martes sa Family Feud.

Ngayong July 21, mapapanood ang actor at businessman na si Richard Yap sa Yap Family. Bukod sa pagiging successful sa showbiz at negosyo, kilala rin si Richard bilang isang hands-on family man.

Makakasama niya ang kanyang anak na si Ashley Yap na isa ring entrepreneur at sumusunod sa yapak ng kanyang ama sa mundo ng negosyo. Kasama rin nila ang aktor na si Chuckie Dreyfus na matagal nang kaibigan ni Richard, pati ang Abot-Kamay na Pangarap co-star niyang si Raheel Bhyria, na naging malapit na rin sa kanya kahit off-camera.

Samantala, haharap sa kanila ang Team Kaya Mo 'To! na pinangungunahan ni Iwa Moto. Siya ay itinanghal na First Princess ng StarStruck Season 3 at isa na ring successful na entrepreneur.

Kasama niya sa laban ang kanyang kapatid at personal assistant na si Miki Iwamoto. Nariyan din ang kanilang ina na si Precy Bazar at ang stepfather ni Iwa na si Gerry Bazar.

Ang Yap Family ba ang mag-uuwi ng panalo, o mananaig ang Team Kaya Mo 'To? Abangan ang fresh episode ng Family Feud ngayong July 21, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.

Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.