
Bagong mga talented kids ang maghaharap sa kiddie edition ng Family Feud at babaha pa ng papremyo sa Guess More, Win More promo ngayong Lunes!
Ngayong August 18, doble ang excitement dahil may face-off ang mga rising stars sa new kiddie edition episode ng Family Feud. Ang Family Feud Philippines ay ang kauna-unahang franchise na nagkaroon ng kiddie contestants. Mayroon pang papremyo para sa lucky home viewers na sasali sa Guess More, Win More promo.
Sa Guess More, Win More promo, walong winners ang mananalo ng PhP 10,000 araw-araw at isa ang may pagkakataong makapaguwi ng PhP 100,000 kada linggo sa Family Feud.
Mula sa Brainy Barkada maglalaro ang 7th grade na into singing, acting, and voice acting na si Jan Jue “JJ” Lei (12); si Queenzy Calma (9) na anak nina Ruru Madrid at Kylie Padilla sa Black Rider, at young Bea Alonzo in the Philippine adaptation of Start-Up PH; si Amarra Venice Doroteo (10) na Grade 5 student na into drawing, acting, and singing; at si Brix Jacob Sarcia (11) na multitalented performer at isa ring athlete.
Maglalaro naman sa Tropang Talented ang 8th grade student na into singing, dancing, acting, modeling, at chess na si Stephen Rain Singson (12); si Yhanie Favores (9) na isang Grade 4 student na may talento sa dancing, acting, modeling, and swimming; si Dirc Rinad Manliclic (9) na mahilig maglaro ng basketball; at ang may talento sa dancing, skating, modeling, acting at into online games na si Luisa Mae Macamay (10).
Tapatan ng kiddie contestants at may papremyo para sa mga home viewers ang inihanda ng Family Feud kaya tutok na ngayong Lunes, August 18, 5:40 p.m. sa GMA.
Ngayong Agosto, uulan ng saya at babaha ng papremyo sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.
Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess More, Win More promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 10,000 up to PhP 100,000! Panoorin ito para sa paraan ng pagsali sa Guess More, Win More promo: