GMA Logo Xian Lim and Kim Perez
What's on TV

Tapatan nina Xian Lim at Kim Perez sa 'Hearts On Ice,' nag-trend online!

By Aimee Anoc
Published May 9, 2023 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Xian Lim and Kim Perez


Inabangan ng manonood ang tapatang Enzo at Bogs, maging nina Ruben at Gerald sa 'Hearts On Ice.'

Talaga namang inabangan ng manonood ang tapatan nina Enzo (Xian Lim) at Bogs (Kim Perez), maging nina Gerald (Tonton Gutierrez) at Ruben (Lito Pimentel) sa Hearts On Ice, na agad na nag-trend online!

Noong Lunes, nag-trend sa Twitter Philippines ang hashtag na "HOILalakiSaLalaki," kung saan umani ng iba't ibang reaksyon mula sa manonood ang naging paghaharap nina Enzo at Bogs, maging nina Gerald at Ruben.

Sa episode 39 ng Hearts On Ice, sinabi na ni Bogs kay Oliver (Ruiz Gomez) kung sino talaga ang tunay niyang nagugustuhan, at ito ay si Ponggay (Ashley Ortega).

Narinig ni Enzo ang pag-amin na ito ni Bogs at nilinaw na rin ng huli sa mga kaibigan ang tunay na nararamdaman para kay Ponggay, kahit na nililigawan na ng una ang dalaga.

Dahil dito, humingi ng tawad si Bogs kay Enzo at sinabing ngayon lang muli siya nagkagusto ng ganoon sa isang babae. Kaya naman kahit ayaw ni Enzo, itutuloy niya ang panunuyo kay Ponggay.

Dito na hindi napigilan ni Enzo ang sarili at nasuntok ang kaibigan. Nakita rin ni Ponggay ang pag-aaway nina Enzo at Bogs at agad na inawat ang dalawang binata. Nalaman na rin ni Ponggay na dahil sa kanya kaya nagkasikatan ang dalawa.

Samantala, matapos na makitang pumunta si Gerald sa bahay niya at nakausap si Libay (Amy Austria), si Ruben na mismo ang pumunta sa opisina ng una para kausapin ito.

Dito na sinabi ni Ruben na siya ang asawa ni Libay at ama ni Ponggay. Nilinaw rin nito na walang anak si Gerald kay Libay at kung ipagpipilitan nito ang sarili ay handa siyang gawin ang lahat maprotektahan lamang ang anak.

Patuloy na subaybayan ang Hearts On Ice, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad

Mapapanood din ang Hearts On Ice sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (11:30 p.m.), at naka-livestream din ito sa GMANetwork.com.

TINGNAN ANG KILIG NA REAKSYON NG TEAM BOGS KINA KIM PEREZ AT ASHLEY ORTEGA SA GALLERY NA ITO: