
Bigatin at nakamamangha ang simula ng espesyal na bakbakan ng biritan at kantahan sa "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbakan 2025" ngayong Lunes, March 10, sa It's Showtime.
Nagsama-sama muli sa iisang entablado ang 48 contenders galing sa iba't ibang season ng kompetisyon. Pero mas naging espesyal ang kanilang labanan nang hinati sila sa apat na pangkat: Alab, Alon, Amihan, at Agimat.
Matapos ang bawat linggo na mas pinaigting na sagupaan, isang pangkat ang magpapaalam at hindi magpapatuloy sa laban. Ang tapatan ay tutuloy hanggang sa isa na lang ang matitira na sasama sa mga natatanging hatay ng kampeon ng tanghalan.
Unang araw pa lang ng labanan ay matindi na dahil humarap na rin ang contenders sa mga bagong hurado na sina Concert Queen Pops Fernandez at Asia's Nightingale Lani Misalucha.
link:
"Sana po kasing excited namin kayo kasi sobra kaming excited. Syempre, excited din kami mapakinggan ang mga manganganta," sabi ni Pops.
Para naman kay Ms. Lani, nararamdaman niyang mahirap at matindi ang magiging labanan ng contenders sa kanilang muling tapatan.
"Hindi naman sila mag-e-end up sa grand TNT ngayon, e, kung hindi sila mahuhusay, 'di ba?" aniya.
Mapagpigil na hininga ang unang resbakan nina Shanne Gulle, Neithan Perez, Froilan Cedilla, at Psalm Manalo. Labis ang hanga ng madlang people sa kanilang performances, pati na ang special guests na foreigners mula sa Wharton School.
"It was amazing. I had goosebumps," komento ng isa sa kanila.
Sa huli ng matinding tapatan, nagwagi ang Pangkat Alon na si Shanne.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang highlights ng "Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbakan 2025" media conference, dito: