
Masayang idinaos ang media conference para sa upcoming “Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan” ngayong Huwebes (March 6) sa It's Showtime studio.
Muling magbabalik sa entablado ang mga ilang dating contenders upang rumesbak at ipamalas ang kanilang natatanging tinig.
Ang mga grand alumni resbaker na magbabalik para sa “Tawag ng Tanghalan: All Star Grand Resbakan” ay sina Psalm Manalo, Dior Bronia, Lee'Anna Layumas, Niña Holmes, Nowi Alpuerto, Yen Victoria, Phoebe Salvatierra Miano, Arvery Lagoring, Eunice Encarnada, Judylou Benitez, Mark Justo, Tenten Pesigan, Vensor Dumasig, Aboodi Yandog, Adrian Manibale, Ayegee Paredes, Jezza Quiogue, Mark Rudio, Shamae Mariano, Shirlyn Hida.
Kabilang din dito sina Charizze Arnigo, Eich Abando, Rachel Gabreza, Shanne Gulle, Froilan Cedilla, Raymundo Alvarez, Marco Adobas, Makki Lucino, Nicole Yu, Isaac Zamudio, Raven Heyres, Enzo Almario, Jeremiah Tiangco, Antonetthe Tismo, Jomar Pasaron, Kim Nemenzo, Chin Chin Abellanosa, John Cedric Ramirez, Aihna Imperial, Lady Mhalec Ramento, Mary Khem Cabagte, Mariel Rose Reyes, RG Mia, at Venus Pelobello.
Muling ipamamalas din ng mga dating contender ng “Tawag ng Tanghalan Kids” ang kanilang pangmalakasang boses sa kantahan. Ito ay sina Dylan Genicera, Shawn Hendrix Agustin, Keith Neithan Perez, at Aliyah Quijoy.
Dapat din abangan ang esteemed elites na mga hurado na sina Ogie Alcasid, Karylle, Jed Madela, at Louie Ocampo. Meron din silang makakasamang bigating singers na sina Pops Fernandez at Lani Misalucha.
“Samu't saring excitement, nakikita ko lahat ng mga napakamagaling. Ako kasi very inspired ako sa resbakers kasi iba ang apoy na nanalaytay, may kakaiba silang dugo. Sabi nga ng aking kapatid na si Pirena, iba ang apoy na nag-aalab sa kanilang damdamin. Hindi nawawala e,” sabi ni Karylle. “They never give up. 'Oo nga naman, bakit hindi ako maging ganyan?' They are my inspirations. Thank you for coming back again and again.”
Dagdag ni Jed, “Sobrang saya ko na nabibigyan sila ng isa pang opportunity na ipakita kung gaano sila kagaling. Exciting 'to kasi salang-sala itong grupo na 'to and tingnan natin kasi, you know, it's all about timing, it's all about being at the right place at the right time, and with the right mindset. Good luck sa inyong lahat.”
Ayon naman kay OPM icon Ogie Alcasid, excited na siya sa bagong format ng naturang singing competition.
“Na-excite kasi ako sa format, napakaganda ng format na 'to. Makikita natin patibayan ito tapos ngayon may kabataan pa. It's nice to see old faces, doble excited to see new faces,” aniya.
Magkahalong excitement at nerbyos naman ang nararamdaman ni Louie Ocampo dahil maghaharap ang mahuhusay na mga mang-aawit.
“I'm excited and I'm very nervous because to be surrounded by such talented people, parang I have to be really prepared. To be part of this group, ito ang tunay ng TNT: tried and tested. Ang titibay ng mga ito, I'm sure they're all prepared. Exciting ito at nakaka-nerbyos,” saad niya.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang highlights ng 'Tawag ng Tanghalan Kids' Season 2 grand finale: