
Ngayong Miyerkules, July 8, "more tawa, more saya kasama ang buong pamilya" sa Family Feud dahil maghaharap ang dalawang Kapuso stars na sina Kokoy De Santos at Jenzel Angeles kasama ang kani-kanilang pamilya.
Pangungunahan ni Kokoy De Santos ang team na De Santos Family mula sa General Trias, Cavite.
Kilala sa kanyang natural na pagpapatawa, siguradong good vibes ang dala ni Kokoy kasama ang kaniyang ultimate plantita, live-selling stream enthusiast mommy na si Chenie De Santos; tech-savvy virtual assistant, live streamer, and karaoke lover niyang kapatid na si Kai De Santos, at ang seafarer niyang kapatid na si Gel Marquez.
Sa kabilang panig naman ay ang The J Crew mula San Pedro, Laguna, na pinangungunahan ng actress-host na si Jenzel Angeles.
Kasama niya sa team ang gamer at badminton enthusiast niyang asawa na si TJ Pasco at mga kapatid na sina Jessica Go at Jasmine Go, na handang ipakita ang kanilang teamwork at diskarte sa Family Feud stage.
Abangan ang masayang bakbakan ng dalawang pamilya sa fresh episode ng Family Feud ngayong July 8, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Huwag kalimutang sumali sa “Guess More, Win More” promo ng Family Feud! Manood lamang ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng papremyo araw-araw. Tutok na Lunes hanggang Biyernes sa Family Feud para sa kabuuang detalye.