GMA Logo Rabiya Mateo as Tasha in Royal Blood
What's on TV

Tasha, bagong suspek ng 'Royal Blood' viewers sa pagpatay kay Gustavo Royales

By Aimee Anoc
Published August 23, 2023 2:13 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Rabiya Mateo as Tasha in Royal Blood


Nanguna si Tasha (Rabiya Mateo) sa suspect's poll na isinagawa ng 'Royal Blood' para sa ikasiyam na linggo nito.

May bagong suspek ang Royal Blood viewers!

Sa inilabas na official poll result ng Royal Blood noong Linggo (August 20), si Tasha (Rabiya Mateo) na ang nangunguna sa mga pinaghihinalaan ng manonood na pumatay kay Gustavo Royales, na nakakuha ng 28.9 percent vote sa isinagawang poll ng Royal Blood para sa ikasiyam na linggo nito.

Pinalitan ni Tasha sa puwesto si Beatrice (Lianne Valentin) na nanguna ng dalawang linggo sa suspect's poll para sa ikapito at ikawalong linggo ng Royal Blood.

Pumangalawa sa listahan si Andrew (Dion Ignacio) na mayroong 14.2 percent vote, na sinundan ni Anne (Princess Aliyah) na nakatanggap naman ng 10.5 percent vote.

Sumunod sa listahan sina Cleofe (Ces Quesada), Kristoff (Mikael Daez), Diana (Megan Young), Margaret (Rhian Ramos), Emil (Arthur Solinap), Napoy (Dingdong Dantes), at Beatrice (Lianne Valentin).

Sa ikasiyam na linggo ng Royal Blood, kapansin-pansin ang madalas na pagseselos ni Tasha sa tuwing nakikitang magkasama sina Napoy at Diana. Napapadalas na rin ang pakikipagtalo nito kay Napoy dahil sa selos.

Samantala, bagong rebelasyon din ang nabunyag tungkol kay Beatrice, na may lihim na relasyon kay Andrew. Gaano kaya katagal na maitatago nina Beatrice at Andrew ang kanilang relasyon kay Margret?

Patuloy na subaybayan ang Royal Blood, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Mapapanood din ang Royal Blood sa Pinoy Hits, I Heart Movies, GTV (10:50 p.m.), at naka-livestream din sa Kapuso Stream.

TINGNAN ANG NAGANAP NA FINALE SCRIPT READING NG CAST NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: