'Royal Blood,' may pasilip sa bikini scene nina Megan Young at Rabiya Mateo

May pasilip ang Royal Blood sa magaganap na bikini scene nina Miss World 2013 Megan Young at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.
Sa hit murder mystery drama, parehong love interest sina Diana (Megan) at Tasha (Rabiya) ng karakter ni Dingdong Dantes na si Napoy.
Si Diana ay dating kasintahan ni Napoy na nagpakasal sa mas mayamang half-brother ng huli na si Kristoff (Mikael Daez). Habang kasalukuyan namang may relasyon sina Napoy at Tasha, na tumatayo na ring ina at tagapag-alaga ng anak niyang si Lizzie (Sienna Stevens).
Narito ang ilang pasilip sa magaganap na bikini scene nina Megan at Rabiya sa Royal Blood:

















