
Love team vs. longtime friends ang haharap ngayong Sabado (September 12) sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Magiging mainit ang labanan dahil competitive ang celebrity pairs na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Humanda sa makulit at maaksyong fighting spirit ng Team KYLU na sina Taskforce Firewall stars Kylie Padilla at Luis Hontiveros.
Sasabay naman sa energy at bro friendship ang Team PAPA na sina Paolo Contis at Patrick Garcia.
POLL: Ano ang madalas mong ginagawa sa bahay tuwing may class suspension?
Huwag palampasin ang O-BER sa tawa, O-BER sa saya na handog ng ating bubbly-witty hosts na sina Heart Evangelista at Sean Lucas!
Doble rin ang kulitan at chikahan ngayong weekend dahil uupo rin bilang celebri-peeps ang mga bagong Kalurkers mula sa Kalurks! na sina Baus Rufo at Ashley Rivera.
MUST READ: Best and iconic quotes from 'The People Have Spoken'
May mag-uuwi kaya ng PhP200,000 jackpot prize this week?
Sumama sa kulitan at papremyo ngayong Sabado sa The People Have Spoken, 6:15 p.m. sa GMA at Kapuso Stream.
Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL pages.
Tumutok din sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito:www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
WAIT! Silipin muna ang Kapuso Insider bardagulan nina celebri-peeps Joy Barcoma at Baus Rufo dito: