Article Inside Page
Showbiz News
Hindi makakaligtas sa suspetsa pati ang mga kaibigan sa trabaho sa 'VIP.'
Tatlong babae. Tatlong magkakaibang motibo.
Sino sa kanila ang kabit?
Iyan ang kailangan tuklasin ni Janine (Jang Na-ra) sa
office mystery drama na VIP.
Kasama niya sa trabaho ang asawang si Simon (Lee Sang-yoon) na team leader sa VIP management team ng Sung Un Department Store, isang high-end department store na para sa mga mayayaman at makapangyarihang kliyente.
Tinitingala sila bilang perfect couple dahil bukod sa masaya nilang pagsamama, pareho pang matagumpay ang kanilang mga career.
Isang anonymous text message ang sisira ng ilusyon ng buhay ni Janine.
Ayon sa nagpadala nito, may mistress ang kanyang asawa at isa ito sa mga katrabaho nila sa VIP management team.
Tatlo ang paghihinalaan ni Janine na posibleng maging kabit ni Simon--si Yuri (Pyo Ye-jin) na isang baguhan at katakataka ang pagkakatanggap niya sa VIP management team, si Eula (Lee Chung-ah) na kababalik lang mula sa isang taong pamamahinga dahil sa isang iskandalo kasama ang isang mataas na opisyal ng Sung Un Department Store, at si Mina (Kwak Sun-young) na working mom at desperadong makakuha ng promotion pero laging nalalampasan dahil madalas naka-maternity leave.
Sino sa kanila ang kabit?
Alamin 'yan sa huli at pinakamatinding handog ng GMA Heart of Asia ngayong taon-- ang office mystery drama na VIP, simula November 30, Lunes hanggang Huwebes pagkatapos ng My Korean Jagiya sa GMA Telebabad.