
Kasunod ng nakakakilig na unang pagtatagpo ng Team DaDa (Dani and Davidson), isa na namang eksena ang kinagiliwan ng Start-Up PH viewers.
Ito ay ang 'Tatlong Bibe' professional version nina Tristan at Davidson (Alden Richards at Jeric Gonzales).
Sa networking party na inihanda ni Ina (Yasmien Kurdi), nangyari ang on the spot na linyahan nina Tristan at Davidson dahil nakatingin sa kanila sina Ina, Dani (Bea Alonzo), at Alice (Ayen Munji-Laurel).
Dahil inoobserbahan sila ng tatlo, sinabi ni Tristan kay Davidson na magkunwari silang nag-uusap tungkol sa pagnenegosyo. Nang hindi na nila alam ang kanilang sasabihin sa isa't isa, sinambit na lang nila ang lyrics ng pambatang awitin na "Tatlong Bibe."
Para sa mga nakapanood, laughtrip daw talaga ang eksenang ito nina Tristan at Davidson.
Narito ang ilang comments ng mga nakapanood ng nakakaaliw na eksena:
Panoorin DITO kung paano ginawang topic nina Tristan at Davidson ang kantang 'Tatlong Bibe' habang nasa event:
Nito lamang October 7, sa episode na pinamagatang #SUPHAdmission, naganap na ang networking party ni Ina, kung saan nangyari rin ang unang pagtatagpo nina Dani at Davidson na kilala ngayong bilang Team DaDa.
Abangan pa ang mga susunod nakakakilig at nakakaaliw na kaganapan sa Philippine adaptation ng 2020 hit Korean series na Start-Up.
Patuloy na subaybayan ang Start-Up PH, mula Lunes hanggang Biyernes 8:50 p.m. sa GMA Telebabad, at sa GTV naman ay mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Huwebes 11:30 p.m., at tuwing Biyernes naman ay ipapalabas ito sa oras na 11: 00 p.m.
Samantala, mapapanood din ang bagong programa sa Kapuso Livestream at GMA PinoyTV.
Kung gusto mong balikan ang previous episodes ng serye maaaring bisitahin ang link na ito.
SILIPIN ANG BEHIND THE SCENES NG START-UP PH SA GALLERY SA IBABA: