
Tila pinasilip sa isang contestant ang mangyayari sa kanilang labanan sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown The Final Examination" nitong Martes (January 14).
Ang finalist na si Aihna mula sa Bicol University ay may kakaibang kwento na konektado sa ikalawang araw ng kanilang kompetisyon. Nang mapili siya bilang katapat ni Arvery mula sa Claret School of Lamitan, ibinunyag niya na naramdaman niyang mangyayari ito dahil sa kanyang panaginip.
"Actually, panalangin ko po sa Panginoon na sabi ko po kahit anong araw, basta po nandito po sila mama. Nasa isip na kita [Arvery] na ikaw ang makakalaban ko. Napanaginipan ko siya, coach," kwento ni Aihna.
Hindi mapigilang magulat at maaliw ang madlang Kapuso, kabilang na ang mga host ng It's Showtime.
"Napanaginipan mo na makakalaban mo si Arvery sa araw na ito?" tanong ni Kim Chiu.
"Opo," simpleng sagot ni Aihna.
"Pero sa panaginip mo ba, naisip mo kaya mo ba siyang tapatan?" habol tanong ni Vhong Navarro.
"May resulta na ba sa panaginip mo?" dagdag ng Chinita Princess.
"Wala pa," sabi ni Aihna.
Matindi ang naging labanan ng dalawang finalist dahil sa kani-kanilang husay sa pagkanta sa entablado.
Malakasang biritan ang ipinamalas ni Arvery sa kantang "Di Ka Nag-Iisa" ni Regine Velasquez. Habang si Aihna ay nakatanggap ng standing ovation sa kanyang pagtatanghal ng awiting "Ipaglalaban Ko" ni Freddie Aguilar at The Watawat Band.
Sa huli ng kanilang mainit na labanan, ang nagwagi ay si Arvery na may average score na 97.6%. Siya ay pasok sa huling tapatan ng "Tawag ng Tanghalan: The School Showdown" na gaganapin ngayong Sabado (January 18).
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang 'Tawag ng Tanghalan Kids' Season 2 grand finale highlights: