
Muling nagbalik at naghatid ng saya si Cristopher Diwata sa It's Showtime ngayong Martes (May 20).
Matatandaan na si Cristopher ay sumali noong 2013 sa segment na "Kalokalike" ng naturang noontime variety show bilang ang look-alike ng Hollywood actor na si Taylor Lautner, na kilala sa kanyang role bilang Jacob Black sa The Twilight Saga film franchise.
Sa pagbisitang muli ni Cristopher, nakasali siya sa segment na "Kid Sona" kung saan ang kanyang kakampi ay ang host na si Jhong Hilario.
Matapos ipakilala si Cristopher ay muli niyang ginawa ang kanyang viral "What hafen, Vella" monologue.
RELATED GALLERY: Meet Cristopher Diwata, the man behind the 'What haffen, Vella' trend
Bukod sa "Kalokalike," sumali rin si Cristopher sa look-alike contest na "Copyface" ng GTV show na Dapat Alam Mo! noong 2023. Nag-compete siya rito muli bilang Taylor Lautner at inulit ang kanyang viral monologue.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.