
Kasalukuyang ipinagdiriwang ng Abot-Kamay Na Pangarap cast at crew ang first taping anniversary ng serye.
Sa latest post ng isa sa mga aktor na napapanood sa serye na si Chuckie Dreyfus, ilang larawan ang ibinahagi niya kung saan makikita ang bonding moments nila ng kanyang co-stars.
Kakabit naman ng post ni Chuckie ay ang pagbati ng mga manonood at netizens sa lahat ng taong bumubuo sa programa.
Narito ang ilang pagbati at komento ng Abot-Kamay Na Pangarap viewers sa buong team ng naturang medical drama series.
Samantala, ang Abot-Kamay Na Pangarap ay patuloy na nangunguna sa mga seryeng napapanood sa GMA Network.
Ang seryeng patok na patok sa mga manonood ay pinagbibidahan nina Carmina Villarroel at Jillian Ward.
Patuloy na sinusubaybayan ng viewers ang mga karakter nina Carmina at Jillian bilang mag-ina na sina Lyneth at Analyn.
Bukod sa mga nabanggit, napapanood din dito sina Richard Yap, Kazel Kinouchi, Pinky Amador, Dina Bonnevie, Dexter Doria, at marami pang iba.
Abangan ang kapana-panabik na mga tagpo sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito:
SILIPIN ANG KULITAN MOMENTS NG CAST NG ABOT-KAMAY NA PANGARAP SA GALLERY SA IBABA: