
Pataasan ng puksaan levels ang magaganap ngayong weekend sa GMA Comedy original game show na The People Have Spoken!
Ngayong darating na Sabado, August 1, humanda sa mainit na tapatan ng bagong celebrity pairs na susubukang pulsuhan ang boses ng People.
Abangan ang competitive married couple na Team EDSHAI, sina EA Guzman at Shaira Diaz.
Makakatapat nila ang Team MIKWILL, na binubuo ng Delivery Boi stars na sina Mika Salamanca at Will Ashley.
Siguradong more tawa, more saya ang magiging kuwentuhan at papremyo sa game show kasama ang high-energy Kapuso hosts Heart Evangelista at Sean Lucas!
Mas madadagdagan pa ang good vibes sa fresh comedy chemistry na hatid ng bagong celebri-peep duo.
Abangan ang diverse yet funny opinions ng events host at content creator Janeena Chan, kasama ang podcaster at stand-up comedian na si James Caraan!
Sino kaya sa ating celebrity pairs ang may chance na manalo ng PhP200,000?
Abangan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL. Available din ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.
Samantala, tumutok sa The People Have Spoken para sa chance na manalo ng cash prize sa People Panalo Promo!
Para sa full mechanics, bisitahin ang page na ito:www.gmanetwork.com/TPHSPeoplePanaloPromo.
Balikan ang ilan sa mga unforgettable at iconic quotes mula sa The People Have Spoken hosts at celebri-peeps, dito: