GMA Logo Family Feud Team Gameboys
What's on TV

Team Gameboys panalo ng PhP 200,000 jackpot prize sa 'Family Feud' Philippines

By Jimboy Napoles
Published April 12, 2022 7:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Family Feud Team Gameboys


Ang Team Gameboys ang ikaapat na jackpot prize winner sa 'Family Feud Philippines.'

Panalo ng PhP 200,000 jackpot prize ang Team Gameboys sa kanilang paglalaro sa Family Feud Philippines ngayong Martes (April 12).

Isang matinding bakbakan sa hulaan ng top answers ang naipanalo ng Team Gameboys na binubuo nina Elijah Canlas, Sue Prado, Kych Minemoto at Miggy Jimenez laban sa Team Kapuso Babes na binubuo naman nina Faith Da Silva, Claire Castro, Pamela Prinster at Angel Guardian.

Nangunguna na sana ang Team Kapuso Babes sa first at second round ng game show ngunit na-steal ng Team Gameboys ang laro sa third round na naging daan upang makapasok sila sa final round.

Nakabuo ang kanilang team ng 237 points sa fast money round na pasok upang maiuwi ang jackpot prize.

Ang Team Gameboys ang ikaapat na jackpot prize winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong taon.

Una itong naipanalo ng Team Beki o reyna ng mga comedy bars na sina Petite, Pepay, Beki, at Osang sa pilot week ng nasabing programa. Sinundan sila ng Team TikTokerist na binubuo ng social media influencers na sina Christian Antolin, Ate Dick, Pipay, at Gaiapoly. Habang ikatlo ay ang Team Bubble Gang kasama ang Kapuso stars na sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Denise Barbacena, at Diego Llorico.

Ang Gameboys, ay isa sa mga sikat na Pinoy boys' love (BL) series na pinagbibidahan nina Kokoy De Santos at Elijah Canlas.

Samantala, ugaliing tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.