GMA Logo family feud
What's on TV

'Family Feud' Philippines: Winner ang pilot week! | Week 1

By Jimboy Napoles
Published March 28, 2022 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Alamin ang mga naging kaganapan sa pilot week ng Family Feud Philippines, DITO:

Matagumpay ang naging unang linggo ng pinakamalaking game show ngayon sa bansa, ang Family Feud, kasama ang game master na si Dingdong Dantes.

Matatandaan na pinag-usapan online ang pilot episode nito noong March 21 at patuloy ang pagiging trending ng bawat episodes lalo na ang mga nakatutuwang sagot ng celebrity guest players sa survey questions.

Buena manong players ng game show ang Team All Out Sundays (AOS) na binubuo nina Mark Bautista, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, at Garrett Bolden katapat nila ang team The Boobay and Tekla Show (TBATS) na binubuo naman ng mga komedyante na sina Boobay, Super Tekla, Pepita Curtis, at Ian Red.

Nagtapat-tapat naman noong Martes, March 22, ang mga Kapuso stars ng GMA Afternoon Prime. Mula sa Team Little Princess ay sina Rodjun Cruz, Jo Berry, Therese Malvar, at Jenine Desiderio. Kalaban nila ang Team Prima Donnas na binubuo naman nina Sheryl Cruz, Elijah Alejo, James Blanco, at Vince Crisostomo.

Ang YouTube stars naman na sina Jelai Andres at Zeinab Harake kasama ang kanilang mga kaibigan ang nagpagalingan sa hulaan noong Miyerkules, March 23. Kasama ni Jelai ang kanyang Team Miloves na sina Buboy Villar, Divine Tetay, at Dyosa Pockoh katapat nila ang grupo nina Zeinab o Team Zebby na sina Melissa, Rana, at Lantis.

Noong Huwebes, March 24, nagtapat naman ang pamilya ng mga singers at managers. Ang Team Bautista family na binubuo nina Christian Bautista, kasama ang kanyang ama na si Ebert Bautista, at mga kapatid na sina Joshua Bautista, at Jordan Bautista. Nakaharap nila ang Team Crown Artist Management family na binubuo naman nina Jasmine Curtis, Gino Santos, Lauren Reid, at Andrei Suleik.

Pasabog naman ang naging huling araw ng pilot week noong Biyernes, March 25 nang manalo ng jackpot prize ang Team Beki o mga reyna ng comedy bars na binubuo nina Petite, Pepay, Beki, at Osang, kung saan nakalaban nila ang Team Philippines na binubuo ng mga volleyball athletes na sina Johnvic De Guzman, Joshua Retamar, Joshua Umandal, at Jessie Lopez.

Ang Team Beki ang first-ever winner ng Family Feud Philippines sa edisyon nito ngayong 2022 kung saan tumataginting na PhP200,000 na jackpot prize ang kanilang napanalunan.

Panoorin naman ang kanilang winning interview sa online exclusive video na ito:

Balikan ang mga na-miss mong Family Feud episodes sa ibaba.

'Family Feud' Philippines: Team All Out Sundays (AOS) vs Team (The Boobay And Tekla Show) TBATS

'Family Feud' Philippines: Team Prima Donnas vs Team Little Princess

'Family Feud' Philippines: Team Zebby vs Team Miloves

'Family Feud' Philippines: Team Bautsista family vs Team Crown Artist Management Family

'Family Feud' Philippines: Team Beki vs Team Philippines

Tumutok sa Family Feud, weekdays 5:45 p.m. sa GMA!

Silipin naman ang world class studio ng Family Feud sa gallery na ito.