GMA Logo family feud
What's on TV

Team Gina at Team Robert ng 'My Father's Wife,' maglalaro sa 'Family Feud'

By Maine Aquino
Published June 23, 2025 11:41 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

family feud


Pagalingan sa paghula ng top answers ang aabangan mula sa cast ng 'My Father's Wife' ngayong June 23 sa 'Family Feud!'

Pagkatapos ng world premiere ng My Father's Wife sa GMA Afternoon Prime, makikisaya naman ang stellar cast nito sa Family Feud!

Ngayong June 23, saksihan ang pagalingan sa paghula ng top answers ng mga artistang tutukan sa My Father's Wife.

Ibibida sa episode ngayong Lunes ang Team Gina at Team Robert. Ang karakter na Gina ay ginagampanan ni Kylie Padilla. Samantala, si Robert naman ay ang karakter ni Gabby Concepcion sa My Father's Wife.

My Father s Wife in Family Feud

Maglalaro sa Team Gina sina Jak Roberto, Angela Alarcon, Arlene Muhlach, at Dani Ozaraga. Mula naman sa Team Robert mapapanood ang grupo nina Kazel Kinouchi, Jade Tecson, Snooky Serna, at Sue Prado.

Abangan kung sino ang magwawagi sa pinakamasayang family game show sa buong mundo! Tutukan ito ngayong Lunes (June 23) sa Family Feud!

“Lahat Panalo” sa Family Feud kaya subaybayan ang fresh episodes Lunes hanggang Biyernes, 5:40 p.m. sa GMA Network. Mapapanood din ang Family Feud sa GMA Network at Family Feud YouTube channel at sa Family Feud Facebook page.

Sa mga home viewers, huwag kalimutang sumali sa Guess to Win promo ng Family Feud para sa pagkakataong manalo ng PhP 20,000.