GMA Logo Team Guwapa in Family Feud Philippines
What's on TV

Team Guwapa, panalo ng PhP200,000 jackpot prize sa 'Family Feud'

By Jimboy Napoles
Published November 19, 2022 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Start of Traslacion to Lapu-Lapu City
Mga Balikbayan nga Makig-Sinulog sa Cebu, Mainitong Gisugat | Balitang Bisdak
Farm To Table: Panalo sa sarap!

Article Inside Page


Showbiz News

Team Guwapa in Family Feud Philippines


Congratulations, Team Guwapa!

Panalo ng PhP200,000 jackpot prize ang Team Guwapa na binubuo ng up and coming movie stars na sina Sunshine Guimary, Debbie Garcia, Ava Mendez, at Mj Cayabyab sa kanilang paglalaro sa trending weekday game show ng GMA na Family Feud noong Biyernes, November 18, 2022.

Sa nasabing episode nakalaban nila ang Team California Beauties na binubuo naman ng Filipino successful entrepreneurs sa Amerika na pinangungunahan ng dating Viva Hot Babe member na si Ella V, kasama ang first female executive chef sa isang sikat na restaurant sa U.S. na si Chef Val Archer, at kanilang mga kaibigan na sina Tash Greizen, at Filbert Kung.

Leading ang Team Guwapa sa unang round ng game sa score na 41 points habang sa second round nakabawi ng puntos ang California Beauties sa score na 50 points.

Sa third round, mas lalong nanguna ang California Beauties nang mahulaan nila ang lahat ng sagot sa survey question. Dito ay nakakuha sila ng perfect score na 244 points.

Sa fourth round kung saan triple na ang magiging score sa tamang sagot, na-steal ng Team Guwapa ang game sa score na 326 points.

Dahil dito, sila ang nagtuloy sa last round na fast money round kasama sina Debbie at MJ. Sa round na ito, nakabuo ang dalawa ng 229 points na lagpas pa sa kinakailangang score upang makuha ang jackpot prize na PhP200,000.

Samantala, makakatanggap naman ng PhP20,000 ang Missionaries of the Poor bilang napiling charity ng Team Guwapa. Habang nag-uwi pa rin ng PhP50,000 ang Team California Beauties.

Tumutok sa Family Feud, Lunes hanggang Biyernes, 5:40 ng hapon sa GMA . Maaari rin itong mapanood via livestream sa Family Feud YouTube channel at Family Feud show page sa GMANetwork.com.

SILIPIN ANG NAGING REUNION NI ELLA V AT VIVA HOT BABES SA GALLERY NA ITO: